Chapter forty

108 9 0
                                    

"Salamat at nakapunta ka!" Janna's eyes gleamed when she saw me, wearing a simple white sleeveless ruffled dress. "Medyo kinabahan ako! Akala ko hindi ka na darating! Anong oras na!"

I chuckled.

"Napakaarte mo, Janna." Inirapan n'ya ako.

"Tara, bilis nandito na sila." Sumunod ako sa kanya nang pumasok s'ya sa loob ng foundation. May buhat-buhat akong box na puro damit at mga groceries.

"Aba, Dashana! Ang tagal mo naman!" reklamo agad ni Dramos nang makita ko siya sa may malawak na garden, nag-aayos ng mesa.

"Ano ba 'to? Bakit sinama mo sila?" Tanong ko kaagad kay Janna. "Magugulo kaya sila!"

"Parang ikaw rin hindi magulo, ah?"

"I change for the better," sagot ko.

"Mama mo change." Hinila n'ya ako sa braso papalapit sa isang babae na nakikipag-usap sa iba pang mga volunteers. "Ms. Che!"

"Janna!" bumeso s'ya kay Janna. "Kamusta ka?"

"I'm doing great, miss. S'ya nga pala si Dasha, yaya ko." Sinamaan ko s'ya ng tingin. Napakabuti talaga.

"Nice to meet you, Dasha." Ngumiti ako sa kanya. "Marami nang nakuwento si Janna tungkol sayo at sa mga kaibigan mo."

Tinuro n'ya si Dramos sa isang tabi.

"Please bear with their attitudes," pakiusap ko. "Ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin. Magulo po talaga sila."

Tumawa s'ya saka ako tinapik-tapik sa balikat.

"Huwag kang mag-alala nakahanda kami riyan. Isa pa, having them around would be fun too. Gusto ko rin kayong makabonding." Sasagot pa lang ako nang may tumawag kay ms. Che. Kapwa kami napatingin sa isang lalaking nakasuot ng salamin, simpleng white shirt at jeans.

"Ma'am, ayos na ang mga donations!"

"Oh, right. Please excuse me for a moment."

"Tulungan na kita, miss." Nagpaalam sa akin si Janna at sumunod kay ms. Che. Ako naman ay lumakad palapit kay Dramos.

"Ayos, ah? Papasa ka na sa langit n'yan," I joked. Binatukan n'ya ako.

"Hindi kasi makakarating bebe ko kaya ako muna."

"Nag-iimagine ka na naman ba?" He made a dramatically pause.

"Dasha, totoo. Bati na kami."

"E 'di ikaw na!"

I helped him organizing the table. Mula sa box, inilabas ko ang mga styrofoam na puro pagkain at inilagay 'yon sa mesa. Nakikipag-usap din kami sa iba pang mga volunteers at nakikipagkamustahan.

"Dra, wag mong buksan!" hinampas ko ang kamay n'ya nang bubuksan n'ya ang isang styro.

"Titignan ko lang kung anong laman! Nagugutom na ako!"

"Para 'yan sa mga bata!" I scolded. Nagdadabog n'yang isinara ulit 'yon at binalik 'yon sa mesa.

"Uy, my friends!" malaki ang ngiting lumapit sa amin ang bagong dating na si Finn. Mukhang kagagaling lang sa site kasi may mga mumunting dumi pa sa shirt n'ya. May bitbit s'yang paperbag. Kasama n'ya rin si Aidan na tinutulungan s'ya sa pagbubuhat.

"Iba na talaga kapag asensado 'no?" Bati ni Dramos. "Anong laman n'yan? Semento?"

"Hindi, hollow blocks tapos ihahampas ko sa pagmumukha mo." I tsked.

"Dashana! Hindi ko nasisilayan anino mo, ah? Saan ka nagsususuot? Sa tahanan ba ni attorney?" Inirapan ko lang s'ya at hindi sinagot.

"Good morning."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon