Chapter eighteen

90 9 0
                                    

"Kumusta ka riyan? Naku, Dashana! Kapag ang bahay nadatnan kong abo na lang kalimutan mo nang nanay mo ako!" 

Tumawa ako habang nagbibihis ng damit. Humarap ako sa salamin at tinali ang buhok ko.

"Ma, kalma. Maayos na maayos ang bahay."

"Aba, dapat lang!" lumalakas na naman ang boses n'ya. "Tandaan mong kapag nasunog ang bahay natin, masusunog din ang sa mga kapitbahay! Saan sa tingin mo tayo pupulutin lahat?"

"Advance mo naman, ma." Napakamot ako ng ulo. "Akala mo naman bata ako. Hindi na ako baby!"

"Pero baby kita," bulong ni Keere sa kabilang tenga ko sabay yakap sa likuran. Tinapakan ko ang paa n'ya. Baka marinig s'ya ng mama ko!

"Sinasabi ko sayo, Dasha."

"Opo!" sagot ko. "Pakisabi kay daddy, I love you!"

"I love you too," Keere butt in, kissing me on the cheek. Nang maibaba ko ang tawag ay agad ko s'yang sinapak sa dibdib.

"Para kang sira eh, 'no!" binulsa ko ang cellphone ko.

"Bakit?" He shrugged. Umupo s'ya sa kama ko at pinanood ako. "Wala naman akong ginagawa."

Inirapan ko s'ya.

"Tara na, alis na tayo."

"Wait lang." Hinapit n'ya ang beywang ko nang akmang lalagpasan ko s'ya at pinaupo ako sa hita n'ya. "Five minutes."

"Bakit?" Sumandal s'ya sa balikat ko at hinalik-halikan ang leeg ko. I sighed. Keere likes to cuddle, that's what I've noticed since we confirmed our relationship to each other. Syempre, noon hindi naman namin pwedeng gawin 'yon kasi nga magkaibigan lang kami. Sobrang awkward no'n kung maglalandian tapos friends lang pala. Kaya medyo nagugulat pa rin ako.

But I would be lying if I say that I don't like this side of him. Syempre masaya ako na ganito s'ya. Hindi naman s'ya lumalampas sa linya. Kung ano man kami noon, gano'n pa rin naman ngayon. Mas lumevel up lang ng very slight.

"Saglit lang." He continued, kissing my neck down to my shoulders and collarbone. Matapos ang ilang minuto ay huminto rin s'ya at huminga ng malalim. "Sorry."

"Okay lang." Napalunok ako. Nag-iinit yata ako. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanya, inayos ang sarili at pumeke ng ubo. "Tara na. Alis na tayo."

Nauna na akong lumabas at binato sa kanya ang susi ng bahay namin para s'ya na ang maglock. Matapos ay isiniksik n'ya iyon sa backpack ko at hinawakan ang kamay ko.

"Hoy, baka makita tayo!" I hissed.

"So what?" Tinaasan n'ya ako ng kilay. "Bakit ba gusto mong itago 'to? Kinakahiya mo ba ko?"

And now he's being a dramatic guy. Tinawanan ko s'ya. Ang dami n'ya talagang kayang gawin.

"I feel like we still need to buy some time before telling it to our friends. I don't wanna be insensitive though." Binuksan n'ya ang passenger seat ng sasakyan n'ya at pinapasok ako sa loob. I threw my bag on the back seat. Mabilis s'yang umikot at umupo sa tabi ko pagkatapos.

"Uh-huh?"

"Gusto ko kapag masaya tayo, masaya rin sila. Remember the saying that no one must left behind?" I buckled my seatbelt.

"Okay." He pressed the tip of his tongue on his lower lip while turning the steering wheel to right. Inalapag ko ang tumbler ko sa tabi ko at nagfacebook muna. We're going to the gym today. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong sasakyan at hindi pa gaanong traffic. Tahimik lang ako habang nagtetext nang bigla n'yang agawin 'yon at ihagis sa backseat. My eyes widened in shock.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon