Chapter forty one

133 9 0
                                    

WARNING: TRIGGERING SCENES AHEAD.

"Dashana, open the door please."

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng beer na binili ko noon. Hindi ko na alam kung anong araw o petsa na ngayon basta ang alam ko lang ay ilang araw na akong nakakulong sa kwarto ko.

"Dashana, please."

"A-ayaw kong makita ka," sagot ko nang marindi ako. His voice makes it more difficult for me to accept everything. His voice... pains me much more. "U-umalis ka muna kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard."

Nang wala na akong marinig na ingay mula sa labas, doon ako muling humagulgol ng iyak. Kung kailan pilit kong binubuo ang sarili ko, kung kailan nagiging maayos na ang lahat, doon na naman ako bumagsak. Nawala na naman lahat. Handa na ako, eh. Handa na akong bumuo ng pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal ko. Kaya lang, nawala. Lahat 'yon nawala dahil sa akin... sa amin. Nawala 'yon dahil inagawan namin ng buhay ang anak ni Graciella.

Humawak ako sa ulo ko at umiyak nang umiyak. Ang sakit sakit na. Ang sakit sakit. Sobra. Why do fate has to give me the same pain again? Bugbog na bugbog na ako, eh.

I deactivated my account the next day because my friends kept on messaging me. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari. Hingi sila nang hingi ng update tungkol sa kasal. Ilang araw na raw kasi akong hindi nagpapakita. The truth is, wala pa talaga akong lakas para harapin sila. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang harapin sila nang ganito ako. Wala akong mukhang maiharap.

Tumingin ako sa salamin. Ang gulo gulo ng buhok ko at malalalim ang eyebags. Parang bumabalik na naman ako sa simula. Bumabalik na naman ako sa buhay ko noon. Kumuha ako ng blade sa gilid at tinapat 'yon sa kaliwang pulso ko.

"I want to end this life," I whispered. "Do it, Dasha. End your life."

Ngunit hindi ako gumalaw, nanginig ang mga kamay ko.

"Ano pang hinihintay mo?! Tapusin mo na ang putanginang buhay mo para makabawi ka sa ginawa mo sa bata!"

I ended up crying again. Nabitawan ko ang blade nang masugatan ang daliri ko. Gustong gusto ko nang mawala ngunit pakiramdam ko ay may naghohold back sa akin. Pakiramdam ko ay may naghihintay pa sa akin. Sumubok ako ng ibang paraan. I tried hanging myself pero hindi natuloy nang marinig ko ang boses ng mama ko mula sa cellphone ko. I also tried taking lots of medicine but it all failed. Hindi ko magawang tapusin ang buhay ko.

Kaya nilaklak ko na lang ang sarili ko sa alak kahit hindi na maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko na rin alam kung kailan ako huling kumain. This is bad. I'm losing myself again. Nakaupo ako sa gilid ng kama ko. Ilang beses akong pilit kinatok ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpakita. Hindi rin ako lumabas.

When the morning came, I was vomiting. Suka ako nang suka sa hindi ko malamang dahilan. Dahil siguro sa alak. I was washing my face when suddenly the door of my condo opened. Nagulat ako at noong pagtingin ko, naroon na silang apat, hinihingal.

"Dashana!" hinila ako ni Dramos at niyakap nang mahigpit. Ni hindi man lang ako umiyak. Niyakap nila akong apat. Lahat sila, alalang-alala sa akin.

That day, they didn't leave my side. Faber checked me. Tinignan n'ya ang mga sugat ko at mga pasa.

"Ano bang ginawa mo sa sarili mo?!" Finn asked. "Halos hindi na kita makilala!"

"Anong ginagawa n'yo rito? Wala ba kayong trabaho?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Tangina!" Dramos shouted angrily. "Tangina, Dasha nakikita mo ba sarili mo?! Tignan mo nga ang sarili mo! Kumakain ka pa ba?!"

"Ayos lang ako."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon