"Mama, pupunta ako sa kapitbahay!"
Sukbit ko ang pink na backpack ko na may lamang laptop, mga photocopy at drawing pad ko, tumakbo ako palabas ng bahay. It was already nine in the evening. Sobrang lamig dahil katatapos lang umulan. Good thing I was wearing an oversized sweater and pajamas.
Pagdaan ko sa bahay nina Dramos ay saktong palabas din s'ya, may dala-dalang notebook.
"Saan punta mo?" Tanong ko na napahinto mula sa paglalakad.
"Uy, Dashana!" napangisi s'ya nang malaki. "Mabuti dumaan ka!"
"Bakit?"
"Punta sana ako sa inyo, eh." Napahawak s'ya sa magkabila n'yang braso. "Sobrang lamig. Sarap sana matulog kung may kayakap."
Inirapan ko s'ya.
"Anong kailangan mo sa akin?" Instead of answering, he threw the notebook at me. Mabilis ko iyong sinalo.
"Ilettering mo ako!" pumasok na ulit s'ya sa loob ng gate nila. "Project namin! Gusto raw ni ma'am ng magandang gawa! Punyemas, sulat ko pa mag-aadjust!"
Then he slammed the gate closed. Ni hindi man lang ako nakapagprotesta. Huminga na lang ako ng malalim bago muling nagmartsa. Huminto ako sa tapat ng bahay nina Keere at nagdoorbell. Tita Yna opened the gate and let me in. Buti na lang wala ang papa ni Keere at walang asong bumungad sa akin, nakatali pala.
"Nasa kwarto n'ya, nak," she told me. "Puntahan mo roon at hindi pa iyon naghahapunan. Tigas talaga ng ulo ng gwapo kong anak."
I chuckled and nodded before ascending the stairs. Nagkasalubong pa kami ni kuya Kristoff, kapatid ng kaibigan ko. He ignored me and went downstairs. Kung masungit at seryoso ang kaibigan ko, mas lalo ang kuya n'ya. Mas nakakatakot lumapit sa kanya. His features was more matured than Keere. Mas matanda rin s'ya sa akin ng limang taon.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Keere nang malamang hindi iyon nakalock. I didn't even bother to knock. Nang makapasok ay naabutan ko s'ya na nakadapa sa kama n'ya, mukhang natutulog na. Inilapag ko ang backpack ko sa may study table at dahan-dahang lumapit sa kanya.
Napangiti ako nang makitang tulog nga s'ya. May nakapasak na wireless earpods sa tenga. Sumampa ako sa kama n'ya at umupo sa likod n'ya. Hindi naman s'ya nagising.
Tulog talaga si gago.
"Gigising na ang baby," saad ko, sinimulan s'yang kilitiin.
"Dashana!" I laughed so hard when he tried finding his way out. Gising na. "H-huwag! Ano ba!"
"Gising na kasi, baby." I continued tickling him. Hanggang sa bumaliktad s'ya at tumumba ako sa tabi n'ya. Sapo-sapo ang tiyan, pinunasan ko ang luha sa gilid ng mga mata ko habang tumatawa. "Gising ka na ba?"
Masama ang mukhang tinignan n'ya ako. His thick brows furrowed before getting his pillow to cover his ears.
He tsked. "Umuwi ka nga sa inyo. Istorbo ka ng tulog."
Tumalikod s'ya sa akin pagtapos at nagtakip ng unan sa mukha.
"Uy, sorry na." Niyakap ko s'ya mula sa likuran at isiniksik ang mukha ko sa likod n'ya. "Sige na review tayo. Tulungan mo ako."
Pero parang wala s'yang narinig kaya kinulit ko s'ya lalo.
"Sige na, please!" binaliktad ko s'ya para muling humarap sa akin. He had his eyes opened already while looking at me. Mamula mula pa ang pisngi n'ya, malamang dahil sa pagtulog. "Review tayo. Tulungan mo akong gumawa ng reports. Sige na, Keke."
"Ikaw talaga 'no? Kayang kaya mong mambulabog kahit anong oras na."
"Saka mo na sabihin 'yan kapag kaya mo na akong tiisin." Pinitik n'ya ang noo ko. I laughed and lifted my self to sit on the bed. Inistretch ko ang kamay ko para tulungan din s'yang umupo. Naiiling n'yang hinawakan ang kamay ko at nagpahila rin. Napapalakpak pa ako dahil sa wakas! Mukhang papasa na ako!
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...