Buong byahe ay nasa labas lang ako ng bintana ng sasakyan nakatingin. I don't mind if some sort of devil was here with me. Basta ang mahalaga sa akin ay makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako.
Pasipol-sipol lang si Brixton na s'yang swabeng nagmamaneho. Ni hindi ko man lang napansin na kasa-kasama na pala namin s'ya kung hindi ko lang narinig na tumatawa s'ya. He was also glancing at us through the rearview mirror every now and then. Kapag nagtatama ang mga mata namin ay iniirapan ko s'ya. I also kept a distance between me and Keere.
Kahit pasimple s'yang dumidikit ay lumalayo ako. Ano nga bang ginagawa n'ya? Bakit kailangan n'ya pang isali si Brixton sa kalokohan n'ya? And what's with the handcuffs?
Kung gusto man n'ya akong pahirapan dahil sa nangyari noon, pwes nagtatagumpay s'ya. Nahihirapan ako. Nahihirapan akong makasama ang taong tumraydor sa amin. Nahihirapan akong muling makatabi ang taong niloko ako.
Wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na 'to kundi galit. Matinding galit. Nagagalit ako sa tuwing naaalala ko ang lahat. Normal lang naman 'to di ba? Normal lang naman na manariwa ang sakit kahit siyam na taon na ang nakakalipas.
"Nasaan ba tayo?" Tanong ko nang sa wakas ay makawala na ako sa pagkakaposas. I touched my wrist while wandering my gaze around. But to no avail, I couldn't see anything. Masyadong madilim para makaaninag. But I could hear the sea waves crashing through the sand and I could feel the chilling breeze making every hair in my body rise.
Hindi n'ya ako sinagot at bumaling kay Brixton na bumaba rin ng sasakyan. He then threw the keys on Keere.
"'Yan na ang susi mo, boss. Nando'n lang ang sasakyan mo." Tapos ay may tinuro s'yang parte ng lugar na hindi ko talaga makita. "Una na ako, ha! Maghahanap din ako ng bebe at poposasan ko rin! Bye!"
Pinanood namin si Brixton na paandarin ang sasakyan at mawala sa paniningin namin. I might not see the whole place but the sand that sticks on my feet could tell that we're on the beach. Alam ko na kaagad kung nasaan kami. Sa beach house ni Keere.
Keere held my hand and pulled me. Using the keys Brixton gave him, he put it inside the knob. Matapos ay tinulak n'ya ang pinto pabukas. Binuksan din n'ya ang ilaw at doon ko lang tuluyang nakita ang paligid.
"Magpalit ka na ng damit," saad n'ya matapos isarado ang pinto.
May itinuro s'yang pink sliding door sa ibaba ng second floor n'ya. Hindi ko 'yon napansin noong huling nakapunta ako rito. Sa bagay, hindi naman ako nagtagal at nakatulog din.
"Ayoko," sagot ko. "Uuwi na ako sa bahay namin."
Lumakad ako sa pinto at sinubukang buksan 'yon pero wala! Nilock n'ya! Nang lumingon ako sa kanya ay ipinakita n'ya ang susi. I gritted my teeth and stared at him with daggers.
"Kunin mo kung kaya mo," pang-aasar n'ya na mas lalong nakapagpainis sa akin.
I threw my bag on the couch, removed my heels and hopped towards him. Alam ko namang hindi ako uubra kapag tumingkayad lang ako kaya tinalunan ko na s'ya. I wrapped my legs around his waist as I extended my arms and tried to reach for the keys.
"Ibigay mo na kasi!"
Sinubukan ko pang umakyat hanggang sa dibdib n'ya ngunit mabilis n'yang pinulupot ang kaliwang braso n'ya sa akin. Napasinghap ako nang ihagis n'ya ang susi sa may couch. Sobrang daya n'ya!
Bababa na sana ako nang mas lalo n'ya akong niyapos na lalo kong ikinagulat.
"Ang liit mo pero ang gaslaw mo," saad n'ya saka ako nginisian. Napasigaw na lang ako ng sobrang lakas nang ipasok n'ya ako sa banyo at ihagis sa bathtub na may tubig na. "Maligo ka na. Amoy bangko ka."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...