Chapter thirty one

66 10 0
                                    

"Ano? Magkasama kayo kagabi?!"

"Oo," sagot ko. I went on painting my tote bags, not minding Janna's loud voice beside me. Daig n'ya pa ako kung makareact eh.

"Anong feeling?" Nagbukas s'ya ng panibagong chichirya habang may pang-iintriga akong tinignan. Akin 'yan eh!

"Wala. Inis."

"Gumwapo lalo si Keere kung hindi mo pansin!" Janna giggled. "Kahit marami s'yang bashers, marami namang humahanga. Lalo na noong nilaban n'ya talaga ang kaso ng tatay n'ya. Kung wala lang akong bebe, baka crush ko na rin 'yon."

Hindi na ako sumagot at baka bumalik din sa akin lahat nang lalabas sa bibig ko. Masyado pa namang malakas mang-asar ang babaeng 'to.

"Mahal mo pa ba?" Saglit akong natigilan. Mahal ko pa ba?

"Hindi na," bulong ko. "Lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay napalitan na ng galit."

"Sure ka?"

"Janna, niloko n'ya ako," I reminded her in case nakakalimutan n'ya. "Kung mahal ko pa rin s'ya pagtapos no'n, ang tanga ko naman 'di ba para ulitin ulit 'yon? Hindi ba ako nadala? Hindi ba ako natuto sa siyam na taon?"

"Kaya hindi. Hindi ko na s'ya mahal. Hindi na dapat."

"Oh sige pustahan. Bibigyan mo ako ng isang daang libo kapag nagkabalikan kayo!"

"Paano kapag hindi?"

"E di, bibigyan kita ng 100k!" I smirked.

"Deal."

Hindi naman talaga dapat pinagpupustahan ang love life ko pero dahil confident naman akong mananalo ay pumayag na rin ako. Sayang din ang pera 'no?

"Maiba ako, iimbitahan pala kita." Nilunok n'ya 'yong kinakain n'ya bago s'ya bumaling sa akin.

"Saan?"

"May sinusuportahang charity 'yong kaibigan ko. Baka naman gusto mong pumunta sa event. Kahit saglit lang."

"Okay, check ko sched ko."

"Salamat!" napayakap pa s'ya sa leeg ko. I chuckled.

Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa trabaho para makaiwas sa traffic dahil paniguradong lagot na ako sa bm namin kapag na-late pa ako.

"Saan kayo maglalunch pagtapos?" Tanong ni Janelle habang naghihintay ng receipt. I typed on my computer. Matapos ay naghintay ako ng kaunti para sa resibo bago 'yon inabot sa client.

"Thank you."

"May bagong bukas na resto sa tapat. Baka naman," sagot ni Brielle.

"Number 52." Tinapat ko ang bibig ko sa maliit na mic para tawagin ang susunod na numero.

"Sagot uli 'yan ni Pochocho!" bumingisngis si Janelle. Saglit akong tumingin kay Pocholo na nasa kanilang station, may kausap na senior.

"Maawa ka naman kay Cholo. Nanlilimahid na ang wallet no'n kalilibre." Hinilot ni Brielle ang braso n'ya.

"I repeat, number 52."

"No way..." Janelle's voice trailed off. Saglit n'yang pinagulong ang swivel chair n'ya sa direction ko at siniko ako. "S'ya na naman?! Look!"

Napaangat ako sa sinasabi n'ya at halos masamid ako sa nakita. Naglalakad palapit ang lalaking nakasuot ng corporate attire at nakashades pa. He was holding a boquet on his left arm and a brief case on the other.

"No fucking way! Halos araw-araw s'yang narito. Hindi ba s'ya nauubusan ng milyones?!" tinignan ko si Janelle para manahimik na s'ya. Baka mamaya ay marinig s'ya no'ng client namin tapos isumbong kami kay bm.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon