Chapter twenty nine

91 10 0
                                    

"Bumalik na s'ya."

Uminom ako ng beer, hindi sumagot.

"He proved his family's innocence. Naloko rin sila," dagdag pa ni Finn.

"Ano naman ngayon?" Maangas na sagot ni Dramos. "Hindi magbabago ang katotohanang niloko n'ya ang kaibigan natin."

"Pero, pre, siyam na taon na ang nakakalipas. Hindi pa natin naririnig si Keere na magpaliwanag. Let's give him a chance to explain."

"Manahimik ka na lang, Finn." Umirap si Dramos at nag-iwas ng tingin. Kagaya ko ay parang hindi na rin gustong pag-usapan ni Dramos ang tungkol dito. He was aware of what I have gone through kasi sabay kaming nagtapos. S'ya lang ang nandoon para sa akin noong umalis ang iba pa.

Kaya lang, alam ko namang may iba pang rason kung bakit n'ya pinapatahimik si Finn. Saving himself, eh.

Natahimik na lang kaming lima. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi na lang kami nagsalita at kumain na lang. Wala rin naman akong sasabihin. Wala naman akong dapat sabihin. This night should be fun. Ngayon lang ulit kami nakumpleto, pero ito sila, ako ang inaalala.

"Ano ba kayo?" I forced a smile. Tumayo ako't binuksan ang speaker ni Faber. "Bakit para kayong pinagbagsakan ng langit? Sayaw tayo! Welcome back, Finnie! We love you, engineer!"

"Anong welcome back? Eh noong isang taon pa 'yan nakauwi, eh!" Dramos retorted.

"Oo nga pala." Napakamot ako ng ulo at sumimangot. Finn laughed before standing up. Gano'n din si Dramos na inaasar na si Aveen. Si Faber naman ay tinayo ko pa. Ang problema ko ay problema ko lang. Hindi na nila kailangan pang pasanin din 'yon.

"Sure kang hindi ka rito matutulog, Dasha?" Umiling ako.

"Kailangan kong samahan si mama eh," I replied. Kinuha ko na ang bag ko. "Salamat sa pagkain, doc. Sigaw lang kayo kapag may kailangan kayo. Bye."

Lumabas na ako pagtapos kong makapagpaalam. Humawak ako sa batok ko nang makaramdam ng ngalay, siguro sa pagdadrive. Habang sinasara ko ang gate, saktong napahinto ako at napatitig sa katapat na bahay. It wasn't that lively and bright as before. Hindi na rin maayos tignan dahil wala namang gumalaw o tumira roon simula nang umalis sina tita. Hindi rin magalaw ng company kasi alam nilang hindi papayag ang mga kapitbahay kasi madadamay ang lahat. Magkakaroon lang ng gulo.

"Done staring?"

Napaayos ako ng tayo at kumurap. Gano'n na ba ako katagal nakatitig doon para hindi ko mapansin ang presensya n'ya?

"H-hindi ako nakatitig." Umiwas ako ng tingin. "K-kumusta ang kotse mo?"

"It was severly damaged." Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kanya. There he was wearing that cold and serious mask of his. Walang bakas ng pagbibiro. "Thanks to you."

"Seryoso ba?!" inirapan n'ya lang ako at tinalikuran na. I panicked. "A-ah, I'll give you my share. Hati tayo sa pagpapaayos. I don't have that much money, but I'm willing to give a fair share for repairing your—"

"Ang ingay mo." Napahinto ako dahil doon. "Hindi pipichugin ang sasakyan ko."

"M-magkano ba 'yon?"

"1M."

Aware akong mahal talaga 'yon! Pero para maningil ng isang milyon, pakiramdam ko, mamumulubi talaga ako para lang mapagawa 'yon!

"No way!" I shouted. "1M? Kahit mamatay ako, hindi ko pa kikitain 'yon!"

"Then zip your mouth," he said, opening their gate. "Kung hindi mo kayang bayaran, manahimik ka."

Nainis ako bigla. Alam ko namang kasalanan ko pero pwede naman n'ya kasi akong kausapin ng maayos! Hindi 'yong ginaganito n'ya ako't pinipilosopo!

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon