"Later, okay?! Huwag n'yong kalimutan!"
Paulit-ulit lang akong tumango kahit pa hindi naman ako nakikita ni Elle mula sa kabilang linya. Paulit-ulit n'ya ring pinapaalala kung ano ang ganap mamayang gabi.
"Oo na. Gets ko na, okay? Pwede na ba akong umalis?"
Tinawanan lang n'ya ako at binabaan din ng tawag. Sa wakas, makakapagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Naglinis muna ako ng condo para naman kapag may biglaang bumisita ay hindi naman mapapaisip kung babae ba talaga ang nakatira rito. Bihira lang talaga akong maglinis pero mabango naman.
Pagkatapos ay naligo na rin ako at nang makapagbihis. May kailangan akong bilhin sa department store ngayon at baka mapatay ako ni Elle kapag nakita n'yang wala man lang akong bitbit na kung ano pagdating ko mamaya pero syempre dumaan muna ako sa Catmint.
"Hi, ma. Kumain ka na?"
Nadatnan ko ang mama ko na nagmamop ng sahig pagpasok ko sa bahay.
"Oh teka! Kamamop ko lang! Anak ka ng lintikan, Dashana!" masamang-masama na ang tingin sa akin ni mama. Napasimangot ako. Imbis na batiin talaga ako ng yakap, sermon pa ang bumubungad sa akin.
"Ako na lang ang magmamop," sambit ko sabay agaw nito sa kanya.
"Ano pa lang ginagawa mo rito?"
"Ma, bahay ko rin 'to 'di ba?" Pagpapaalala ko. "Bawal ba ako rito?"
"Napapadalas ang pagtapak mo rito. Anong meron?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Oo nga, medyo napapadalas ang pagpunta ko rito. I mean, minsan kasi, dalawang beses lang sa isang linggo. That was what? Every fridays? Iyon kasi ang schedule namin ng tropa pero ngayon siguro nakakaapat na balik ako?
"W-wala." Umiwas ako ng tingin.
"Dashana," puno ng awtoridad na tawag n'ya. Napatingin tuloy ako sa singsing na suot ko. Nang hindi na makatagal ay unti-unti kong itinaas ang daliri ko. Nanlaki ang mga mata ni mama nang may mapagtanto. "I-Ikakasal ka na?!" hindi makapaniwalang tanong n'ya.
Hindi ko masabi kung ano ang nakikita ko sa mukha n'ya. Masaya ba s'ya, galit o ano?
"Bakit ka magpapakasal?! Siguro may laman na 'yan 'no?!" tinuro pa n'ya ang tiyan kong nanahimik. Napatampal ako ng noo.
"Busog nga lang kasi ako pero hindi ako buntis!"
Ilang beses na ba akong napagkamalang buntis? Hindi naman na ako sobrang taba pero syempre, kapag nabubusog hindi napipigilan.
"Ano ayaw mo?" Tanong ko pa. Parang kailan lang, kinukulit-kulit n'ya pa akong bigyan s'ya ng apo. Ngayon namang ikakasal na ako, para namang tutol pa s'ya.
"K-kanino?"
Hindi ko na kailangan pang sagutin lalo na nang magkatinginan kaming dalawa, iisang tao lang ang nasa isip. Dahan-dahan akong tumango para kumpirmahing totoo. Hindi ko inaasahang mapapatili s'ya at mapapayakap sa akin. Nahirapan tuloy akong pagbalansehin ang bigat naming dalawa.
"Ma."
"Dashana!"
Maya-maya pa, ramdam ko nang nababasa ang leeg ko. Hinimas ko ang likod n'ya para patahanin kundi pati ako ay maiiyak na rin.
"Ma naman. Kalma lang," I said as tears began to form inside my eyes.
"Anak ko..." her voice cracked. "Mag-aasawa ka na talaga..."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hindi pa ako dapat magpakasal. Pakiramdam ko ay maiiwan ko ang mama kong mag-isa rito dahil iba na ang aasikasuhin ko kapag nangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...