"Faber..."
I was still in the verge of processing everything when he smiled at me.
"My mom wants to say thanks for assisting me earlier. And uh... small treat as gratitude."
Itinaas n'ya ang hawak n'yang box ng donuts. Napalabi ako. Hindi lang naman kasi ako ang naroon. Dramos and Keere were there with us. Kinailangan lang nilang umalis.
Bakit nga ba ako masyadong nagpapaapekto sa signs na 'yan? For goodness sake, it was just Faber! Wala akong dapat na ikabahala.
"Sexy's so thoughtful." I smiled as I accepted the box of donuts. "Sakto favorite ko 'to!"
"Lahat naman yata, favorite mo," he told me, which made me grin.
"Uh-uh. Hindi ako kumakain ng ampalaya at okra at atay at marami pang iba." No offense to the lover of those foods. I don't hate them, I just don't like them either.
Nang umalis na si Faber ay nagpaalam na rin si Janna. She was saying something that I couldn't understand. Sana'y walang malisya sa kanya ang nangyari. We both know that Faber and I are good friends since kids and I don't want to lose that. Until I finally got to laid my back on my fluffy bed and got welcomed by Icy. She's behave and smart! Everytime my mom enters my room, she always hide inside the basket full of clothes. Mabuti na lang at hindi naman nangingialam si mama roon. Sinasabihan n'ya lang ako.
My eyelids were getting heavier until it successfully closed. The last thing I remembered was Icy lying next to me before everything went black.
"Sa wakas uwian na!"
The bell snooze all over the university when the clock strike at one. Nagmadaling magligpit si Aveen ng mga gamit n'ya at binitbit ang libro sa braso n'ya. Binangga n'ya pa ang braso ko sa sobrang pagmamadali kaya napaaray ako.
"Hoy, saan ka na naman pupunta?!"
Ni hindi na namin nasisilayan ang anino ng babaeng 'to dahil palagi s'yang missing in action. Hindi rin s'ya madalas umuwi sa Catmint. Parang sa isang buwan isa o dalawang beses lang.
"May dadaanan ako!" she replied.
"Hindi ka sasabay—"
"Hindi! Bye!" I rolled my eyes as she quickly ran her way out of the room. Nagkabanggaan pa nga sila ni Janna at nagsamaan ng tingin. Inirapan n'ya lang ito bago nagpatuloy sa pag-alis. Si Janna naman ay pumasok sa classroom namin at prenteng umupo sa wooden chair sa tabi.
"Kamusta ka, Dasha?" Tinaas-babaan n'ya ako ng kilay na parang nang-aasar.
"Okay pa ako kanina bago ka dumating," pabalang na sagot ko. "Ngayon pangit na ng hapon ko."
She laughed. Tinapik n'ya ako sa balikat pero halos matumba ako sa lakas.
"Aray ko!" sigaw ko. "Ano ba 'yang kamay mo?! Bakal na ba 'yan?! Ang bigat, ah!"
Hinilot ko ang balikat kong hinampas n'ya bago isinukbit ang backpack ko at sumama sa kanya sa paglabas.
"Hoy, nagcocommiss ka pa?" Umiling ako. Inalis ko ang iilang hibla ng buhok na napupunta sa pisngi ko. Ang hangin kasi!
"Pahawak nga." Inabot ko sa kanya ang mga libro ko at itinali ang buhok ko. Matapos ay kinuha ko ulit ito sa kanya. "Hindi na ako nagcocommiss. Hindi na afford ng oras ko."
"Bakit naman? Naalala mo ba si Flor?" Sumulyap s'ya sa akin. Humawak ako sa hawakan ng hagdan at bumaling sa kanya. Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na 'yon?
"Teka, parang pamilyar, eh. Sino nga ba-"
"'Yong dati mong pinagdadalhan ng mga tote bags!" she pointed her fore finger at me. "'Yong may maliit na shop sa SM!"
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...