"Icy..."
My heart shattered when I saw a familiar cat. Her tail's wagging while looking at me with her familiar blue eyes. Lumuhod ako at hinaplos ang balahibo n'ya.
"Icy."
Mabilis ko s'yang binuhat at niyakap ng mahigpit. Hinele ko s'ya sa braso ko. Namiss ko s'ya. Alam kong noong mga panahong durog na durog ako, ginusto kong mawala ang pusang 'to. Ginusto kong mawala ang lahat ng koneksyong nag-uugnay sa amin ni Keere. Ngunit alam na alam ko na minahal ko ang pusa. Inalagaan ko s'ya dahil mahalaga s'ya sa akin.
"He's not Icy." That made me froze. Tinignan ko si Keere na s'yang nasa harapan ko na pala. "He's marble. Her son."
"Son?"
"Hmm." Nilagpasan n'ya ako at kumuha ng juice sa may ref. "Icy died last year. May sakit."
"What...?"
"She waited for you to visit her. I have nothing to show but your pictures. That's all that I have." Napanganga ako. "Icy gave birth to three kittens but the two didn't survive. Marble's the only cat left."
"Marble..." I whispered, patting his fur. Sobrang taba n'ya. I could say that he look like his mom a lot.
"Today's sunny. What do you want to do?"
"I want to... swim," sagot ko sabay tingin sa kanya. He nodded.
"Okay."
Pumanhik ako papasok sa walk in closet at naghanap ng susuotin sa pagligo. Ilang araw na akong nandito. Ilang araw na rin akong absent sa trabaho at hindi nakakauwi. Strangely, my mom wasn't looking for me.
Kinuha ko ang itim na two piece na nakita ko sa cabinet. Sinuot ko 'yon at nagkasya naman sa akin. I also put the white robe on. Mukhang masarap magswimmining ngayon kasi maganda ang sikat ng araw. Paglabas ko, nakabukas na ang pinto. Talagang kinulong ako rito ni Keere! Natatakot ba s'yang iwan ko s'ya? Eh, ano naman ngayon?
Lumabas ako at doon ko lang tuluyang naramdaman ulit ang labas. Ang sarap ng hangin! Para akong nakulong ng ilang taon. Tinitigan ko ang dagat. This is my dream life. Gusto ko lang na mabuhay kung saan ang sentro ay ang dagat.
"Ang ganda."
"Sobra."
Lumingon ako at nagtagpo ang mga mata namin ni Keere. His gray orbs stared down at me. Kaagad akong umiwas ng tingin nang iba ang maramdaman ko.
"Bakit ito ang napili mo?" Tanong ko.
"I really have no intention on buying this land," he replied. "Pero tanda mo si mang Kiko? He was sick. He needs money. I promised to shoulder all the fees. Tapos nagulat na lang ako, ipinangalan n'ya na lang sa akin 'to."
"And then I remembered my promise to you." Natigilan ako.
"Pangako? Nangako ka?" Natatawang tanong ko kahit tandang tanda ko pa 'yon.
"Hmm." He nodded. "Sabi kong ibabalik kita rito."
"Ah, talaga?" Kunwaring gulat na tanong ko. "Sorry, nakalimutan ko na. All I could remember was the pain and betrayal."
Hindi s'ya kaagad nakasagot. I removed my robe, revealing my two piece.
"Lalangoy muna ako."
"Dasha." Natigil ako nang ang tubig ay halos hanggang tiyan ko na. "Hanggang kailan pa natin pahihirapan ang isa't isa?"
"Hanggang sa marealize mo na mali ang lahat ng 'to, Keere," I replied, peering over my shoulder. "There's no other way. Tanggapin na lang natin na tapos na ang lahat."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomanceMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...