Chapter seventeen

87 9 0
                                    

"Ang ganda."

I've never been this peaceful while walking through the grass with dandelions swaying along the wind. I was sucking a lollipop, hopping my way and enjoying the moment where I could feel peace. Inilagay ko ang kanang kamay ko sa noo ko at tinanaw mula sa kinatatayuan ko ang napakagandang dagat. Kitang-kita sa maliit na burol kung nasaan ako.

Sa buhanginan no'n ay agad ko s'yang natanaw. Sa tabi n'ya ay may basket at kulay pulang kumot. I gently raised my hand and closed my left eye. Sinubukan ko s'yang sukatin gamit ang hintuturo at hinlalaki ko. I chuckled.

How could he give everything I wished for? How could he willingly bend the rules just for me to be happy? How could he do things just for a person who has nothing but a complete disaster? Who often fails the exams... Who doubts herself, insecure and not smart? Minsan natatanong ko na lang sa sarili ko, bakit pinipili n'ya pa rin ako kahit ang daming mas higit sa akin? Bakit mas pinipili n'yang lumaban kasama ako, kung sa huli pwede rin naman akong matalo? I never understand why he chooses me over and over again if there are better choices.

"Dashana!" he waved his hand and stood from sitting on the shore. Ngumiti s'ya ng matamis. It was enough to flatter my heart. Kumaway ako pabalik at tumakbo pababa para lumapit sa kanya. When I finally reached the shore again, I quickly stopped in front of him and grin.

"Hi ulit." Iniligay ko ang mga kamay ko sa likuran ko. He chuckled and put some strands of hair behind my ear.

"Hey," he greeted back, touching my nose.

Bigla ko s'yang hinapit at niyakap. Alam ko sa sarili kong hindi ko kayang magpigil. What I felt for him was too much to ignore. He embraced me back and carresed my hair softly.

"Okay ka lang?" Marahang tanong n'ya sabay patong ng baba sa balikat ko.

"Hinihingal pa ako," I replied.

"Hold on to me then. Hindi kita bibitawan." Ngumiti ako't isiniksik pa lalo ang mukha sa dibdib n'ya. Hindi rin naman kita bibitawan.

Tinanaw namin ang buong paligid habang nakaupo, hindi alintana ang buhanging kumakapit sa aming dalawa. Masaya akong nagkwento sa kanya ng maraming bagay. He Iistened attentively just like always. He never get tired of me. And with that, I feel so lucky to have him in my life.

"Tignan mo 'yon." Sinundan ko ng tingin ang tinuturo n'ya. "What can you see on that cloud?"

Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan iyon.

"It looks like a baby!"

"Yeah?" He massaged the bridge of his nose.

"Cute." Isiniksik ko sa bibig ko ang isang buong tinapay. Nabulunan pa ako kaya napahampas ako sa dibdib ko ng wala sa oras. Thankfully, he was there to help me. Binigyan n'ya ako ng tubig.

"Hinay-hinay naman," Keere scolded. "Hindi ka tatakbuhan ng mga pagkain."

Tumatawa kong ininom ang tubig na binawasan n'ya na. We just stayed at the beach, waiting for the sun to set from the horizon. I rested my head on his shoulder while both of us had mugs on our hands. Drinking milk from our favorite brand.

"Sa future, kung tayo pa rin, pwede bang dito tayo tumira?" Biro ko. "Maganda rito saka mukhang masarap magpamilya."

"You don't have to say that," saad n'ya. "Tayo pa rin hanggang tumanda tayo."

"Baka mamaya bigla kang makahanap ng mas maganda." Tumawa ako. "Oh 'di kaya ay bumalik ka kay Graciella. Ang ganda n'ya tapos matalino, nasa kanya na lahat. Tapos bagay kayo kasi pareho kayong kukuha ng law. Eh, ako? Sa pagpipinta lang naman ako magaling. Tapos average lang."

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon