Chapter sixteen

93 9 0
                                    

"Saan ka pupunta?"

"Magbibihis lang ako. Gusto mo bang sumama?" Binato ko s'ya ng unan. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng antok matapos ang mga nangyari. Alas kuwatro na ng umaga. I closed my eyes. Imbis na kina Faber kami dumiretso, nauwi ako rito sa kwarto n'ya. Ilang minuto pa bago ko naramdaman na sumampa s'ya sa kama kaya niyapos ko s'ya ng yakap. He smells so good. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib n'ya.

"Dito ka lang, okay?" Tumawa s'ya.

"Makakaalis pa kaya ako nito?" He asked. "Higpit ng yakap mo, eh."

"Huwag ka nang mang-asar," sagot ko, habang humihikab. "Inaantok na ako."

"Okay okay." Tumatawa pa rin s'ya. Masaya talaga s'ya, ah? "Goodnight, love."

Pabiro ko s'yang hinampas bago ako tuluyang nakatulog. When I woke up, I feel like I was floating in the air. Ano bang nangyari? Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko. Ang sakit! Sumilip ako sa orasan na nasa side table at gano'n na lang nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas dos na ng hapon! Gano'n ako katagal nakatulog?!

"Afternoon," Keere greeted. Kapapasok lang n'ya sa kwarto n'ya, may dala pang tubig.

"2pm na talaga?!" hindi makapaniwalang tanong, napamulagat agad ako. He nodded. Lalakad na sana s'ya palapit sa akin nang kaagad na akong tumayo. "Hala, uuwi na ako!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Syempre, may bahay ako!" kinuha ko ang sapatos ko sa gilid at binitbit 'yon. "Si mama nasaan?!"

"Kina Dramos." Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang. Pagagalitan lang kasi ako no'n ulit kapag nagkaabutan kami sa bahay.

"Salamat! Bye!"

I ran as fast as I could. Hindi na bale kung nakapaa ako paglabas ng bahay nila. Hindi ko na pinansin si Finn na tinatawag ako't pinagtatawanan. 'Tong lalaking 'to! Matapos n'ya kaming iwanan kagabi!

Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay agad kong nabitawan ang sapatos ko. Hinabol ko ang hininga ko at dumapa sa kama.

"Ming ming." I tried to mimick Icy's voice to call her out. Sumilip s'ya mula sa basket ng mga damit ko para siguro silipin kung sino 'yon. When she saw me, she climb to the bed and rubbed her face on mine. "Gutom ka na ba?"

She purred in response. I sighed. Nagsimula akong mainitan. Hindi pa rin pala ako nagpapalit ng damit. I removed my bottom jeans and my top, leaving my cycling shorts and bra. Hinagis ko sa sahig ang mga damit ko at tumakbo sa banyo para sumuka. Nakatatlong bote lang ako pero may hangover pa rin. Paano pa kaya si Dramos na halos ubusin ang isang case? I was kneeling on the bowl when I heard footsteps inside my room.

"Dashana?"

"Bakit?" I flushed the toilet after I vomit. Nagmumog ako sa lababo at naghilamos. I look awful when I gazed at my reflection. Gulo-gulo ang buhok ko at para akong tanga.

"Okay ka lang?" Keere rushed to my side. He looked at me worriedly over the mirror.

"Okay lang." I tied my hair. "Can you lend me my towel please?"

Walang imik n'yang sinunod iyon. He gave me my pink towel. I thanked him before wiping my face. Lumakad ako palabas na sinundan din naman n'ya. Dumapa ulit ako sa kama at pumikit.

"Sakit ng ulo ko."

"Inom pa." Nagmulat ako at tumingin sa kanya. Dinadampot n'ya na sa sahig ang mga hinubad kong damit at sinasampay 'yon sa likod ng upuan.

"Bakit ikaw hindi ka ba uminom?"

"I only drink two bottles, okay?"

"Well, mine's three!" I argued. "What's the difference?"

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon