Chapter five

149 12 0
                                    

"Narito 'yong crush ko, eh... Tara puntahan natin!"

I shuffled my playlist as I leaned on the railings while looking at the wide open space, totally ignoring the noises in my background. Mula rito kitang-kita ko ang mga estudyanteng tumatambay sa ibaba habang tinatanaw ko ang ganda ng paligid. Para tuloy akong reyna na nakatingin sa nasasakupan ko. I chuckled at the thought.

Matapos ay napatingin ako sa relo ko makalipas ang ilang minuto. Bakit ba ang tagal n'yang lumabas? Naiinip na ako!

"Hoy, Dasha, gawa mo rito?" Bungad na bati ni Brixton, isa sa mga kaklase ni Ke at kaibigan n'ya na rin. Nakasukbit ang backpack n'ya sa isa n'yang balikat habang nakatingin sa akin.

"Hinihintay ko si Keere," sagot ko. "Wala kasi akong kasabay umuwi."

"Gano'n ba? Wala sina Dramos?"

"Wala, eh," I replied, napasimangot ako. "Nauna nang umuwi. Hindi man lang ako hinintay."

"Ah. Nariyan sa loob si boss Keere. Katukin mo na lang." Tinuro n'ya ang classroom nila.

"Sige, salamat." He winked at me before descending the stairs. I sighed. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa railing para sumilip sa room nila. Ngunit napaatras din ako nang makita kong magkausap si Keere at si Graciella. Isinabit ko sa leeg ang headphones ko at pasimpleng nakinig sa usapan nila.

"Keere," Graciella called. "Pwede mo ba akong samahan magreview ngayon? Mas may alam ka kasi sa akin pagdating sa mga law books na pwedeng aralin sa—"

"Just review Philippine politics and laws. It'll be discuss again. And then advance study the systems for our next lesson," seryosong sagot sa kanya ni Keere habang nagliligpit ng gamit. Hindi man lang pinatapos si Graciella sa sasabihin n'ya. Pero wow! ano 'yon? Salita pa ba 'yon?

"P-pero may mga terms pa rin akong hindi makuha. Tulungan mo naman ako, please," pangungulit pa ni Graciella. "With your assistance, I can understand it more. Please."

Keere looked at her. Kita ko kung paano s'ya nito tignan na parang wala silang pinagsamahan noon. Ito talagang kaibigan ko, masyadong seryoso. Parang magpapatulong lang, eh. Isa pa, bakit ba ayaw n'ya? Hindi ba s'ya nasisilaw sa ganda ni Graciella?

"Look, Graciella. It would be better if you do self study instead of—" I blinked when I didn't expect Graciella's next move. Hinila ni Graciella ang collar ni Keere palapit sa kanya dahilan para magkalapit ang kanilang mga mukha.

"You owe me a lot, babe." Her pink lips curved mischievously. "Pinagtakpan ko ang pagkacutting mo. Kaya dapat lang na bayaran mo ako."

I saw how Keere clenched his jaw and bared his teeth. Parang nawawalan na ng pasensiya habang nakatingin sa babaeng kaharap n'ya.

"Oh, Dashana!" napalingon ako nang makita ko ulit si Brixton na naglalakad pabalik. "Hindi pa rin lumalabas si boss?"

"Akala ko aalis ka na?" Tanong ko pabalik nang makarating s'ya sa harapan ko.

"Ah, may nakalimutan ako. Patay ako sa librarian kapag nawala ko ang hiniram kong libro." Napakamot s'ya sa ulo n'ya saka pumasok sa loob ng room nang walang sabi-sabi. Pipigilan ko sana s'ya para huwag maistorbo sina Keere sa loob pero huli na. "Hoy, Keere! Si Dasha nasa labas. Kanina ka pa hinihintay."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Brixton. Hindi ko nga pinahahalata ng presensiya ko, pero sinabi naman n'ya! Agad tuloy akong binalingan ni Keere at napalayo kay Graciella.

"Hi, Graciella. Nasira ko ba ang moment n'yo?" Tanong pa ni Brixton na parang hindi aware sa nangyayari. Sinamaan lang s'ya nito ng tingin. I gulped when Keere immediately grabbed his bag and rushed to my side.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon