Chapter six

120 10 0
                                    

"Naiwan ko ang wallet ko sa bahay."

Nalaglag ko ang hawak kong mangkok na wala ng laman at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. He stared back, looking at me firmly. Ni wala man lang bahid ng kung ano sa mata n'ya. Seryoso lang s'ya!

Paano 'yan? Saan ako kukuha ng 650?! Saan ako kukuha ng ganoong pera gayong sampung piso nga lang na fishball ang nilibre ko kay Brixton kanina?! Maluha-luha na ang mata ko habang nakatitig sa kanya nang biglang kumurba ang labi n'ya at humalakhak.

"Joke lang." Halos umusok ang ilong ko habang masama ang titig na binato sa kanya. I glared at him, so he would know how I wanted to kill him through my stares.

Natatawa n'yang inilabas ang wallet n'yang medyo makapal at nag-abot ng isang libo. Nang umalis ang matandang babae para kumuha ng sukli ay sinipa ko s'ya sa binti.

"Alam mo napakawalang hiya mo. Sobra ka!"

"Ngayon alam mo na kung ano ang nararamdaman ko kapag iniinis mo ako. Kaya, tumino ka na ha?"

"Epal ka!" masama pa rin ang mga tingin ko sa kanya. Akala ko talaga, maghuhugas na kami ng pinggan dahil sa sinabi n'ya! Kinabahan ako roon. "Subukan mo ngang gawin 'yan kay Graciella. Tignan natin kung sino ang sawi sa huli."

His smile instantly faded and pursed his lips, almost forming a straight line. Ako lang ba? O biglang dumilim ang mukha n'ya?

"You really like to ruin the fun," he told me, shaking his head.

"Uy, affected!" ako naman ang nang-asar. Anong akala n'ya sa akin? Hindi marunong gumanti? He scoffed, took the change and rose to his feet.

"Ewan ko sayo." Nauna na s'yang maglakad paalis at iniwan ako. I laughed at how his mood easily changed.

"Hoy, wait lang!" agad kong isinukbit ang backpack ko at kinuha ang cellphone kong nasa mesa saka patakbong sumunod sa kanya.

"Sino ka?" Tanong n'ya nang magkapantay kami, mas lalo n'yang binilisan ang paglakad na kaagad ko namang hinabol.

"Bati na tayo, hoy!"

"Hindi kita kilala," he replied, pocketing his hands.

"Ikaw naman ang nauna eh!"

"Wala akong naririnig." He tried to ignore me but I swear he can't even last long without talking to me. Gano'n ako kalakas sa kanya.

"Ah, gano'n ah? Sige!"

I pulled the hem of his sweater to stop him from walking too fast. Pagkatapos ay pumasan ako sa likuran n'ya at hinigpitan ang kapit sa leeg n'ya. I encircled my legs around his waist. I did the piggyback ride.

"Dashana! Ang bigat!" saway n'ya. Sinubukan n'ya akong iikot para paalisin pero hindi ako natinag at mas lalong kumapit sa kanya. I laughed hard when he tried to put me down by swaying his body but it didn't work. "Sinusubukan mo talaga pasensya ko 'no?"

Napasigaw ako nang bigla s'yang tumakbo nang mabilis. Sinubukan n'ya pa akong takutin na ihuhulog n'ya daw ako kaya ang ending? Kinagat ko s'ya sa leeg. Ang mga bituin ang naging saksi kung gaano nilukob ang madilim na daan ng tawa naming dalawa. I don't know why, but whenever I'm with him, I could be the happiest person alive.

Nasa gate pa lang ako ng bahay ay rinig na rinig ko na ang usapan at paglalambingan ng mga magulang ko mula sa loob. I grinned, removed my shoes and ran inside to check what are they doing.

"Ang daming langgam. Ano ba yan," biro ko pagpasok na pagpasok ko pa lang. Nadatnan ko kasi sila sa sala na magkaakbay habang nanonood ng barilan. Kung makapaglambingan, akala mo naman romance ang pinapanood. Sabay silang napalingon sa akin. My mom arched her brow while my dad smiled at me.

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon