Chapter three

88 9 0
                                    

"Dasha..."

Hindi ko na alam kung ilang segundo na kaming nagkakatitigan ni Faber. I was still on the same position, with his hand still holding my arm.

I stiffened from my spot when he slowly leaned his head closer to me. Tila nanigas ako sa kinaluluhuran ko habang nakatingin lang sa kanya. Anong gagawin n'ya? Bakit s'ya lumalapit? May dumi ba ako sa mukha?

Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang susunod n'yang gagawin. Hindi naman ako bulag at pipi pero bakit gano'n? Bakit wala akong magawa?

"Dasha." His eyes sparkled while slowly inching our gap. Our faces were getting near towards each other. Hinanda ko na ang sarili ko. I closed my eyes, trying to calculate his next move. Pero lumipas ang ilan pang segundo ay wala namang nangyaring kakaiba. The last thing I knew, something's heavy was already weighing on my left shoulder. Nang magmulat ako, doon ko lang napagtanto na nakatulog na pala si Faber sa balikat ko. His forehead rested on it. He was already snoring softly and breathing heavily.

Hindi naman sa assuming ako o ano, pero iba talaga ang naiisip kong gagawin n'ya. I sighed in relief. I thought I'd be losing that thing so easily.

Ayoko sanang gisingin ang maamong si Faber na natutulog na pero mas mahihirapan s'ya kung hahayaan ko lang s'ya sa sahig. Kaya inalalayan ko s'yang pumunta sa kama at maingat na ibinagsak doon. I covered his body with his comforter and fix his pillow so he would have a good night sleep. Sandaling napatitig ako sa kanya saka bumuntong hininga.

You're just too pure, Faber.

Lumabas ako ng bahay nina sexy dala-dala ang blender na hinihiram ni mama. While I was locking the gate, sigawan naman galing sa katapat na bahay ang narinig ko.

I didn't mean to intrude or to eavesdrop, but it's about Keere and I know for a fact that he was being scolded again. So I stayed at the gate and listened.

"You cannot force me to do something I don't want for myself," I heard Keere stated calmly. "You can compare me to every human being you know but you cannot dictate my life and what I want for my future."

"Tama nga sila. You have grown stubborn and disrespectful." I could sense a hint of disappointment on his dad's voice. "You are selfish. Ang gusto mo lang ay ang para sa sarili mo."

"Dahil ako naman ang nag-aaral," sagot n'yang muli. "Gagawin ko kung ano ang kaya ko at hindi kung ano ang dinidikta sa akin."

"Mayabang ka!" narinig ko ang galit sa boses ng tatay n'ya. Sinusubukan kong tansyahin kung ano na ang ginagawa n'ya kay Keere. My playful mind started to think of absurd scenes that made me scared and brought shiver down my spines. Napailing-iling ako at napahampas sa noo ko.

"Bakit hindi mo na lang gayahin ang kuya mo? Ang kuya mo, sumusunod sa inuutos sa kanya. Ang kuya mo walang maraming sinasabi! Ang kuya mo, mas may kwenta kaysa sa 'yo!"

"Edi mabuti," walang buhay na tugon ni Keere. "Mabuti kung gano'n. You already have one dog to do your bidding so why do you have me to push as well? Hindi pa ba sapat ang isang aso para sa—"

"Bernardo!"

"Umalis ka rito!" napayapos ako sa malamig na bakal ng gate nina Faber nang bumukas ang katapat na gate nito at inuluwa noon ang galit na galit na tatay ni Keere na kinukwelyuhan ang kaibigan ko. Naroon din ang kuya n'yang mukhang natutuwa pa sa nangyayari. I clenched my fist. Kung pwede lang sana s'yang sapakin ay baka ginawa ko na. "Ayokong dito ka matutulog! Ayaw kitang makita! Umalis ka rito ngayon!"

"Bernardo, tama na!" his mom rushed on his side and tried to shove those big hands of his husband away from his son but it was much stronger than her.

"Hindi ka na natuto! Palagi kang sakit sa ulo at 'yan! 'Yang mga paniniwala mo, 'yan ang magbabagsak sayo!"

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon