"Bakit ka nandito?" Namilog ang mga mata ng mga kaibigan ko na hindi makapaniwalang nakikita nila ako sa harapan nila.
"Bakit naman hindi?"
Dala-dala ang isang tumpok na bulaklak, ngumiti ako sa kanila ngunit kinailangan kong yumuko nang may mga lumilingon sa amin. Binaba ko ang sumbrerong suot ko para maiwasan ang anumang gulo.
"Dashana, magpahinga ka naman!" sermon ni Dramos. "Umuwi ka na, sige na."
"Nandito ako para kay Finn, okay?" I replied. "I can't miss another milestone in his life. Mahalaga 'to para sa kanya."
Bumuntong hininga silang dalawa. Wala pa roon si Aveen at baka late na makakapunta. Muling nag-umpisa ang seremonyas ng graduation. May mga teacher na napapatingin din sa amin marahil ay nagtataka kung bakit na naman kami narito, eh kagagaling lang namin dito noong nakaraan. Sorry, pero may tatlo pang nakapila.
"Vernon, Finn David, A." Patalon-talong iwinagayway ni Finn ang kanyang diploma na parang bata. Kahit bakas ang namumugto n'yang mga mata, he still managed to smile. He may try to hide it, but I noticed how his eyes reflected with sadness.
"Graduate na ako!" sigaw n'ya sa amin, malaking ang ngisi sa mga labi. "Magiging engineer na ako! Who you kayo ngayon!"
"Sino ka ba?!" malakas na sigaw rin ni Dramos pabalik. "Hindi ka namin kilala! Bumaba ka na riyan! Panira ka sa graduation!"
Napuno nang tawanan ang buong venue nang ilabas ni Finn ang dila n'ya at nag-asaran pa sila ni Dramos sa tingin. Napangiti rin ako.
"Picture tayo!" just like what we did the other month, we took lots of pictures again. 'Yon nga lang, apat na lang kami dahil hindi sumipot si Aveen at si Finn na ang nakatoga.
"Wala ka man lang bang pa-despedida?" Tanong ko, matapos ang picture taking. Sandali s'yang napayuko. Pag-angat n'ya ng tingin, namumuo na ang luha sa mga mata n'ya. He looks so tired... and his eyes were puffy too. Parang okay pa s'ya noong nakaraan, eh. Finn shook his head.
"Wala eh." he smiled sadly. "Mamaya na flight ko."
Aalis na si Finn pa Canada dahil kinukuha s'ya ng tita n'yang may sakit. Kailan lang din n'ya sinabi sa amin iyon kaya sobra kaming nabigla. In his defense, ayaw n'ya raw na makadagdag pa s'ya sa problema namin dahil alam n'yang sobrang daming nangyari. Parang sira.
"Hindi mo man lang kami hihintaying grumaduate? Panget mo namang kaibigan."
"Kung pwede lang bang mag-extend ng isang taon para hintayin kayo, eh gagawin ko talaga. Kaya lang kailangang-kailangan na ni tita nang mag-aalaga sa kanya e." He sighed. "Sayang din 'yon. Habang nagrereview ako sa licensure exam magkakaroon ako ng extra income. Makakatulong na ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko."
"Basta, ha! Video call n'yo ako sa graduation! Huwag n'yo akong kalilimutan."
"Tanga!" saad sa kanya ni Dramos pero hindi nakatakas sa mga mata ko ang lungkot sa mukha n'ya. "Hindi ka pa mamamatay. Huwag kang parang ewan diyan."
"Huwag mong sirain ang moment ko. Huwag kang epal." And just like what often happens, they threw banters towards each other again. Gusto naming sa pag-alis ni Finn ay puro masasayang ala-ala lang ang maidadala n'ya.
Nang makauwi kami ay doon na kami tuluyang nagpaalam kay Finn nang maayos. We hugged him as tight as we could. Paulit-ulit namin s'yang pinaalalahanan ng kung ano-anong mga bagay.
"Magkita na lang tayo sa mga susunod na taon," he said. "Gusto kong pag-uwi ko, wala nang iiyak sa inyo, ha? Gusto kong masaya na kayo. We've been through a lot now and we all need to heal."
BINABASA MO ANG
Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis Magnus
RomantizmMaria Dashana always see herself pursuing something that she thought is convenient for her and not because she loves doing it. Among the gang, she's the youngest and has the lowest self-esteem. She always compares herself to every woman she met hopi...