Chapter twenty eight

77 9 0
                                    

"Three... two... one, happy new year!"

Sinindihan ko ang lusis at iwinagayway iyon kasabay nang sunod-sunod na pagliwanag ng langit dahil sa mga fireworks.

"Ano ba, Dashana?! Baka matamaan ako!"

"Si mama ang oa." I chuckled. "Layo-layo eh."

Inirapan n'ya lang ako pero nakangiti pa rin.

"Ang ganda-ganda ng langit," saad n'ya, habang nakatingala. Patuloy 'yong lumiliwanag. Niyakap ko s'ya mula sa likuran at pinatong ang baba sa balikat n'ya. "Paniguradong tuwang-tuwa ang daddy mo sa itaas."

"Masaya ka ba, ma?"

"Oo naman," sagot n'ya sabay ngiti. "Binigyan mo ako ng fifty thousand, eh."

"Sabi ko na nga ba, 'yon lang habol mo sa akin." Tumawa ako. "I love you ma. Mahal na mahal ka namin ni daddy."

Hindi s'ya sumagot. Maya-maya lang ay narinig ko nang umiiyak na s'ya.

"Tama lang pala talaga ang desisyon ko na makipagswap ng baby."

"Ano?!" she laughed despite her tears.

"Joke lang."

"Ma, hindi nakakatawa promise." She chuckled.

"Bigyan mo na ako ng apo," request n'ya habang nagpupunas ng luha. "Para naman magkaroon na ako ng aalagain."

"Okay, mamaya gagawa ako," biro ko. Kung makahiling 'tong si mama, wala nga akong boyfriend, apo pa kaya?

"Trenta ka na!" sigaw n'ya, sabay hampas sa braso ko. Napaaray ako. Masakit! "Mamaya lang, wala ka na sa kalendaryo! Baka hindi mo ako mabigyan ng apo!"

"Ugh!" napailing ako, nauna nang pumasok sa loob. "Kapag nakahanap ako ng boyfriend, promise bibigyan kita ng sampu!"

"Sabi mo 'yan, ah?" Natawa na lang ako at naghanda ng pagkain para sa media noche namin. Pasaway talaga si mama, palibhasa matanda na.

Hindi naging madali para sa amin ni mama ang mamuhay sa loob ng siyam na taon na kaming dalawa lang. Pareho kaming nahirapan. Minsan, nasa trabaho ako pero kailangan kong umuwi kasi umiiyak s'ya at hinahanap si daddy. Naroon ang trauma ni mama at may mga gabing hindi s'ya makakain, hindi s'ya makatulog. Nanginginig. Natatakot. Minsan, naiiyak na lang ako. Kung pwede ko lang akuin ang lahat ay ginawa ko na. Ang tanging nagawa ko lang noong mga oras na 'yon ay ang yakapin s'ya.

"It's new year..."

I was looking at the mirror where I could take a glimpse of a woman who's staring back at me with the same emptiness visible in her eyes but still able to survive. A reflection of a woman who has scars that symbolizes her imperfections as a person that she once hated. A face who she wanted to change for she wants to be loved and be accepted. It took me a while before I got the strength to face the mirror and look at myself. My lips slowly curved.

"Proud ako sayo..."

Ngumiti ako sa salamin bago nagpatuloy sa pag-aayos. I was wearing a white polo long sleeves tucked in black pencil skirt, and black blazer paired with gold stilleto. Huling iniligay ko ang id ko na may mukha ko at napatitig doon ng sandali.

Maria Dashana Zamora

"Ma'am! May umaaway kay Janelle sa labas! Ayaw s'yang pakinggan ng client! Hinahanap ka n'ya!"

Pagpasok ko pa lang sa locker para ilagay ang mga gamit ko'y, boses na kaagad ni Gabrielle ang umalingawngaw sa tenga ko. Napabuntong hininga ako at napatigil sa pag-aayos. Sa hitsura n'ya, parang may nangyayari talagang hindi maganda. Ang aga-aga, eh!

Catmint Series 1: Atty. Keere Alexis MagnusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon