CHAPTER 4

4.3K 60 4
                                    

Grae


Binati ako nang pagduduwal sa unang umaga ko rito sa condo ni Alfie. Patakbo kong tinungo ang banyo at nagdududuwal kahit halos tubig na lang ang inilalabas ko. Kumapit ako sa inidoro para kumuha ng lakas dahil para akong mabubuwal sa sobrang panghihina.

"Grae?" dinig kong tawag sa akin ni Alfie. Hindi ako tumayo agad para tingnan siya dahil para akong nanginginig sa sobrang panghihina. Isinandal ko ang sarili sa tiled wall at napaupo sa harap ng inidoro. Hinihingal ako dahil halos mapugto ang hininga ko sa sunud-sunod na pagduduwal.

Pumasok si Alfie sa banyo at napamura pa nang madatnan akong nakasalampak roon. Tiningnan ko lamang siya ngunit naramdaman ko na naman ang pamumuo ng asim sa sikmura ko.

"Are you alright? You're pale." He said worriedly. Hinawakan niya ako sa aking kamay at akmang itatayo ako pero hinawi ko iyon at muling kumapit sa inidoro dahil sa nagbabadyang pagsuka.

Habang nagsusuka ako ay hinahagod ni Alfie ang likod ko. Sininop niya rin ang buhok ko at hinawakan iyon para hindi mapunta sa mukha ko. In the middle of my continuous gagging, I got conscious with myself. Hindi pa ako nakakapaghilamos at ang sabi niya kanina'y maputla rin ako.

Nang kumalma ang nagwawalang sikmura ko, muli akong napaupo sa harap ng inidoro at isinandal ang sarili sa pader. Alfie wiped my mouth using a box of tissue. Akma kong kukunin iyon sa kanya pero hinuli niya ang kamay ko.

"Ako na. Do you want us to go to the hospital? I'm worried." Aniya. Kumuha siya ng panibagong tissue para punasan naman ang namuong pawis sa noo at leeg ko.

Umiling ako. "This is normal." Tumayo na ako para i-flush ang inidoro. Inalalayan niya akong tumayo. When I was able to get my balance, hinarap ko siya.

"Lumabas ka muna, maghihilamos lang ako." I said.

Tumango siya. "I'll wait outside. I brought you breakfast."

Nang makalabas na siya ng banyo, agad akong nag-ayos ng aking sarili. Dinampot ko ang mga nagamit na tissue at itinapon sa trash can. I looked myself in the mirror. Tama nga siya, maputla ang mukha ko. Nangingitim rin ang baba ng mga mata ko. In short, I looked like a mess.

Lumabas na ako ng banyo. Nadatnan kong nakaupo si Alfie sa dulo ng kama habang may isang tray ng pagkain sa tabi niya. Bigla akong natakam dahil sa amoy niyon at naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Nang tingnan ko siya, he's looking at me intently.

"I brought you breakfast. I thought you're still sleeping kaya dinala ko na rito." Aniya.

Tiningnan ko ang laman ng tray. Pancakes, eggs, bacon, at may ilang slices ng apples at strawberries. May isang baso rin ng gatas.

I looked at him again. "Ikaw? Kumain ka na?" marahan kong tanong sa kanya. Umiling siya at saka ngumiti.

"Mauna ka na. I can take care of myself. Ang importante ay ikaw."

I pouted. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Thoughts of him preparing my breakfast made my heart felt something very strange. Halu-halong emosyon agad ang rumagasa sa dibdib ko.

Pero hindi ko gustong kumain ng walang kasalo. Parang malungkot.

Tumayo siya at nilapitan ako. He held me on my elbow. "Is there a problem, Grae? A-ayaw mo ba ng hinanda ko? What do you want?"

Umiling ako. "Mukhang masarap pero..." iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Gusto ko ng may kasabay kumain." Mahinang turan ko sa kanya.

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Hinawakan niya ang batok niya na parang nagi-isip.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon