CHAPTER 17

3K 32 11
                                    

Grae


Pumasok kami ni Alfie sa opisina kinabukasan. While crossing the hallway, hindi nakaligtas sa akin ang mga mata ng mga taong nakatingin sa amin. Alfie shamelessly held me on my back while we're on our way to the elevator. Behind us were his guards. Nang marating namin ang pintuan ng elevator ay bahagyang nahati ang crowd para magbigay-daan sa boss nila.

"Good morning, Sir." Bati ng mga empleyado rito sabay tingin sa akin.

I am confused between greeting them too or pretend that I am oblivious with their presence. Pero hindi ko naman kaya iyon kaya I just gave them a small smile.

Nakita ko ang ilan na tumango sila sa akin. Ang iba ay alanganing ngumiti rin.

Nang marating namin ang opisina niya ay agad niyang pinatawag si Harold. Ate Gareth simply went to my table and whispered something on me.

"Congratulations, Miss Grae! Best wishes!" nakangiting bati niya sa akin.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Salamat, Ate Gareth."

"Hindi na kayo nakapag-bakasyon ni Sir Alfie." dagdag niya.

I pouted then gave her a small smile. "Abala siya sa trabaho, Ate. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal sa opisina."

Tumango siya. "Oo nga. Lalo na't umuwi si chairman."

"C-Chairman?" takang tanong ko. Was it his father?

"Oo. May meeting sila mamayang 9 a.m."

Lumabas na sila Ate Gareth at Harold matapos magbigay ng instruction ni Alfie sa kanilang dalawa. I busied myself by scanning the papers in my table. Narito pa 'yong mga naiwan kong trabaho at may mga bago ring dokumento na naroon. I sorted the papers based on its urgency to be done.

Hindi ko na napansin ang paglapit ni Alfie sa table ko. Kinuha niya ang kamay ko, urging me to stand up. Nagpaubaya lang ako sa gusto niyang mangyari.

I was still holding some of the papers when his hands landed on my waist. He took it from me and place it on the table.

"You're coming with me later." Aniya.

"Saan?" I asked.

"You'll join us in the meeting."

Inayos ko ang kanyang kwelyo kahit hindi naman na kailangan 'yon dahil maayos naman ito.

"Bakit?"

"I'll introduce you to them." He casually said.

I pouted. Sigurado akong maraming tao sa loob ng conference room. I don't think I can handle the crowd. Isa pa, naroon ang Papa niya. Isn't it a better idea if he will meet me personally rather than knowing me through an announcement?

"Don't you think it's..." I gulped. "...too early for that?" I asked with hesitation.

"It's not. This is the right time that I introduce you, my Mrs. Gracielle Villanueva." He held my chin and gently pinched it.

Nangiti ako sa huling mga salita niya. It may sound possessive but I really like hearing it from him. It seems like he owns me.

No. He entirely owns me.

But I am not ready for what he wanted to happen.

Umiling ako sa kanya. "Ayoko, Alfie. Hindi ako kumportable, eh."

I heard him sigh. Hindi niya gusto ang pagtanggi ko pero buo ang loob kong hindi sumama sa kanya sa meeting na iyon.

"I'll just wait for you here, hmm?" malambing kong sabi sa kanya.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon