CHAPTER 5

3.3K 48 9
                                    

Grae


"Ms. Trinidad?" tawag sa akin ng isang babaeng medical staff.

Tumayo ako mula sa gang chair na inuupuan namin ni Alfie kanina. Ngumiti ito sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Pasok na kayo, Ma'am." Aniya. Hinarap ko si Alfie para sabihing hintayin na lamang nya ako sa labas hanggang sa matapos ako.

"I wanna see it, too, Grae." Marahan niyang sinabi. Biglang nagsalita ang staff na tumawag sa akin.

"Ma'am, pwede naman pong pumasok si Sir." Sabi niya.

Nilingon ko si Alfie. He's smiling at me with his puppy-eyes. Tila nagpapaawang pumayag akong isama siya sa loob.

I heaved a sigh. "Fine. You'll go with me but please, ayoko ng violent reaction kapag hindi ka naging kumportble sa procedure." I said.

He smiled merrily. "I promise."

Nakangiting binati kami ng babaeng doktor nang makapasok kami sa silid na iyon. Binasa niya ang papel na may naglalaman ng impormasyon ko bago siya bumaling ulit sakin.

"Sige, mommy. Higa ka na." she instructed me.

Alfie took my bag at naupo sa stool sa tabi ng kama malapit sa ulo ko. Tinabunan ako ng doktor ng puting kumot.

"Pakitanggal na lang 'yong underwear mo para mag-start na tayo." she said. I nodded at her. Pero pareho kaming nagulat dahil sa malakas na boses na umalingawngaw sa kwartong 'yon.

"WHAT?" si Alfie. Mariin siyang nakatingin sa babaeng doktor.

Natigilan ang doktora at muling sumulyap sa akin. I sighed. Kaya ayoko siyang isama dito sa loob eh.

I held his arms kaya nabaling sa akin ang atensyon niya. "She'll perform transvaginal ultrasound. If you're not comfortable with it, pwede kang lumabas." Pang-aalu ko sa kanya. Ayoko ring gatungan ang inis na nararamdaman niya dahil baka magkagulo lang sa silid na ito.

He's staring at me intently. Umiigting ang kanyang mga panga. Hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kanya, showing him that he only got two choices: to go out here or to stay and let the procedure be done.

Then he sighed. "I'm staying."

I nodded. "I will be okay, don't worry." I said. I gave him an assuring smile.

"Whoo!" Nangingiti na umiling ang doktora. She prepped everything she needs. Naibaba ko na rin ang underwear ko at ginabayan ako sa tamang posisyon. Nang ipapasok na niya ang medyo mahabang korteng stick ay nakaramdam din ako ng kaunting kaba. Napakapit ako sa kamay ni Alfie.

"Relax, mommy. Mabilis lang ito." sabi ng doktora.

Dahan-dahan niyang ipinasok iyon sa aking pwerta. Maya-maya lamang ay lumabas na sa screen ang isang black and white image. It was a 3D image of my womb.

I glanced at Alfie as he stared intently at the monitor.

"Ayun!" the doctor said. Itinigil niya ang paggalaw ng screen at kumuha ng iba't-ibang anggulo ng imahe ng isang maliit na bilog. "Heto si baby." Itinuro niya iyon sa amin.

"Probably 7 weeks na siya." Dagdag niya.

I gulped when I saw my cute little button-size unborn child. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Parang nalulusaw ang kaibuturan ko sa nakikita. Pinaghalong saya at excitement ang naramdaman ko sa nakikita ko ngayon. Na may isang anghel na nabubuhay ngayon sa loob ng katawan ko.

Kung dati ay hindi ako naniniwala sa love at first sight, ang anak namin sa loob ng aking sinapupunan ang nagbigay sa akin ng matibay na patunay.

Dala ng matinding emosyon na nararamdaman ko ay namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Agad ko iyong pinahid. I felt Alfie's grip tightened more. He even kissed me on my head. Malamang ay dahil sa pareho kami ng nararamdaman ngayon.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon