Grae
Hindi na ako ulit nakarinig ng pagpipigil mula kay Alfie pagkatapos naming mag-usap tungkol sa kagustuhan kong magtrabaho ulit. Siguro, napagtanto niya ring kailangan ko iyon para sa aking sarili. Isa pa, wala na akong rason pa para manatili rito sa condo niya. I am well and fine now. I'm fit to work so why is he stopping me from doing what I want?
Nagsimula na akong ayusin ang mga papeles ko. Dahil doon, kailangan ko na ring lumabas-labas at pumunta sa iba't-ibang ahensya para mag-request ng documents. Hindi na lang ako umalma nang sabihin ni Alfie na sasamahan niya ako. Masyado nang positibo ang utak ko para mahaluan pa iyon ng pagtatalo. Gusto ko na lang maging payapa ulit kahit ngayon lang.
"I can arrange everything, you know. Ako na ang bahala sa mga kakailanganin mo." Pangungumbinsi niya sa akin habang nagda-drive. Papunta kami ngayon sa university kung saan kami nag-aral noong college kami.
Sinagot ko siya ng hindi nililingon. "Gusto kong ako ang mag-aasikaso sa mga kailangan ko."
I was very lucky that I got admitted here. This is a prestigious university. Maraming naging produkto ang eskwelahang ito ng mga estudyanteng naging matagumpay sa kanya-kanyang propesyon. At karamihan sa nag-aaral dito, mga mayayaman. Kaya kahit half scholar, iginapang ako ng parents ko para makatapos.
"It's more convenient, Grae. Maaasikaso mo pa ang ibang bagay habang hinihintay mo ang mga papeles mo." He reasoned out.
"Ito lang naman ang inaasikaso ko, Alfie."
"But---"
I cut him off. "Kung napipilitan ka lang na sumama sa akin, ibaba mo na ako riyan at magko-commute na lang ako."
Huminto siya nang mag-red light. "Hindi ko sinabing napipilitan ako, Grae." Marahang sagot niya sa akin. He reached out for my hand but before he was able to touch me, patay-malisya ko iyong iniwas sa kanya.
He sighed. Hinampas ng bahagya ang kamay sa manibela. "Lagi ka na lang nagagalit sa akin."
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. It triggered me to talk more. Kung hindi lang naman kasi siya mapilit sa gusto niya, hindi sana kami nagbabangayan ng ganito.
Gusto niya kasi, siya lang ang nasusunod. He decides for us like he knows everything about me.
Sa huli, hindi na lang ako umimik. Iniisip ko na lamang na kapag nag-away kami, wala rin naman iyong patutunguhan. Puro walang katapusang sagutan lang ang mangyayari. Ayaw kong bahiran ng negatibong pag-iisip ang lakad ko ngayon. I have to focus on myself.
Hindi na talaga ako makapaghintay na makahanap ng trabaho para hindi kami laging nagtatagpong dalawa.
I'm tired dealing with him every day.
Wala kaming imikan ulit sa buong biyahe. Kahit nang marating namin ang mga lugar na pakay namin sa araw na iyon, hindi ko siya magawang kausapin. Nakabuntot lang naman siya sa akin kahit saan ako magpunta. Hindi ko siya nakitaan ng pagod. Though, I can feel that he's a little protective over me, hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.
Hapon na kami natapos sa mga lakad namin. Bakas din iyon sa itsura na Alfie. Medyo bugnutin nga lang siya kanina dahil halos hindi ko siya pinapansin. He's trying to converse with me in between my idle moments but I didn't pay any attention. My mind is totally preoccupied with so many things. Ang paghahanap kung saang ospital ako mag-aapply. Pwede rin siguro akong mag-apply sa pinagta-trabahuan nila Lizette at Cholo pero medyo may kalayuan iyon sa tinitirhan ko ngayon.
O pwede ring bumalik na lang ako sa apartment?
Pero siguradong hindi ako papayagan ni Alfie. Kung ipipilit ko ang sarili kong umalis sa puder niya't bumalik sa dating tinutuluyan, baka madamay naman ang mga kaibigan ko sa gulo naming dalawa

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...