Grae
I had an inch cut just beside my right eyebrow. Kasalukuyan iyong nilalapatan ng lunas sa emergency room kung saan sinugod ako ni Alfie sa pinakamalapit na ospital. Nakahiga lang ako sa hospital bed, not minding the sudden pain from the injected anesthesia near my wound. Nang maramdaman ko na ang pamamanhid sa parteng iyon, they started to stitch it.
Nasa paanan ko si Alfie habang nakahalukipkip at mataman akong binabantayan. Nakita ko ang mantsa ng dugo mula sa aking sugat. He looked worried, at the same time, angry. Hindi ko alam kung para saan ang galit niya. Siguro sa akin? He's so patient to me ever since, and after what happened, maybe his patience loses.
Pero nagkamali ako.
After what had happened in the balcony, mas naghigpit sa pagbabantay si Alfie sa akin. Nakasunod siya sa akin kahit saan ako magpunta. If I need to go to the bathroom, sumusunod siya sa akin, o 'di kaya'y magbabantay sa labas kapag pumoprotesta ako sa gusto niyang mangyari.
Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Mas lalo niyang ipinaramdam ang pagmamahal at pagkalinga na kailangan ko sa mga oras na ito.
And for me, I feel tired as always. Hindi mawala-wala ang pagod na nararamdaman ko kahit kumpleto naman ako sa tulog at madalas mag-vitamins. Ang sabi ni Mama ay baka nabinat ako. I don't know. Siguro nga. Nagprisinta siyang alagaan ako para may katuwang si Alfie sa akin. Isa pa, kailangan na rin niyang bumalik sa pagta-trabaho. Hindi pwedeng magtagal ng ganito ang pag-aalaga niya.
But he refused. He told my parents that he wanted to take care of me personally.
Naging ganoon ang set-up sa unit niya. Hindi na siya pumapasok sa opisina pero rito na siya nagta-trabaho. Dinadala na lamang ni Harold o ni Ate Gareth ang mga dokumentong kailangan nila o kaya kapag may kailangan siyang pirmahan.
But I heard Martin Villanueva already assumed the position as CEO of SVN Corp.
Hindi ko alam kung paano at bakit ganoon na lamang ang naging desisyon niya. Kung dahil lang iyon sa kagustuhan niyang tutukan ang pag-aalaga sa akin, napakaliit na bagay naman iyon para iwan niya ang responsibilidad na nakapataw sa kanyang balikat. Pwede naman kasi siyang pumasok na. Huwag nang mag-alala sa akin. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata para bantayan ng husto.
Madalas akong makaramdam ng matinding kalungkutan at pangungulila sa anak kong hindi ko man lang nahawakan. Maglilimang buwan na sana siya ngayon sa tiyan ko. We could have known my baby's gender. Lumilipad ang isip ko kung saan excited kaming mamimili ng mga gamit niya kung sakaling malaman na namin ang kasarian niya.
Pero hindi na iyon mangyayari. Hindi na kami pinahintulutan ng tadhana.
Madalas ko siyang mapanaginipan. I was lost in the dark when I heard a sound of a crying baby. Pilit ko siyang hinahanap sa kawalan pero hindi ko siya makita. I am already panting from my unending search for my child. Pinaghalong pagod at frustrations ang nararamdaman ko dahil kahit saan ako magpunta, kahit saan ko ilibot ang paningin ko, hindi ko siya mahanap. I can only hear my baby crying out loud. Umiiyak na rin ako sa pag-aalala. Until it faded and replaced it with a manic laughter. Boses babae. Parang nasisiyahan siya sa nangyayaring paghihirap ko base sa mala-demonyo niyang mga tawa.
Then I will wake up from my deep slumber. Pawisan at hinahabol ang paghinga.
Minsan, isang gabi, muli akong nagising mula sa isang masamang panaginip. Nahagip ng mga braso kong wala si Alfie sa tabi ko. I panicked. Pabalikwas akong bumangon at tinawag ang pangalan niya.
"Hon!" tawag niya sa akin. Nilingon ko ang direksyon ng balkonahe sa kwarto. And there, I saw him working on his laptop in a coffee table.
Mabilis niya akong dinaluhan at nilapitan sa kama. Mabilis ang paghinga ko, tila hinabol ng kung ano. Nang makalapit, agad akong umamba ng yakap sa kanya. Hindi niya iyon ipinagkait sa akin at ipinulupot ang mga braso sa akin.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...