EPILOGUE

4.8K 88 36
                                    

Alfonso

"Uh, Kuya? Saan po ba 'tong building na 'to?" Narinig kong tanong sa akin ng isang babaeng bigla na lang sumulpot sa likod ko.

Nakatambay kami sa kiosk, naghihintay sa susunod na subject. Unang araw ng klase at kapansin-pansin ang mga bagong mukha sa university. Karamihan ay mga freshmen, ang iba naman ay mga transferees.

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. Nakita kong nakalahad sa akin ang isang kapirasong papel. Napasulyap ako roon bago ilipat ang mga mata ko sa kanya. Tumaas ang kilay ko habang nakangiti siya sa akin, nag-aabang sa isasagot ko.

I heard my friends laughing at her. Nalipat ang mga mata niyang matalim na ngayon sa mga kasama ko. I wanted to reprimand them and tell them to shut off. But I can't take my eyes away from this cute lady.

Freshman siguro 'to. Baduy pa manamit eh.

"Shut up, Miss. We don't want you here kaya sa iba ka na lang magtanong."

She sneered with so much annoyance. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay at paglaki ng butas ng ilong niya. Namumula siya sa sobrang iritasyon. I wanted to shout at them for annoying this lady. Pero mas lalo lang akong natutuwa habang pinagmamasdan siyang galit na galit.

She looked like a small dragon wanted to spit fire with her prey but she could only whistle from her raging anger.

And that what's making her cuter.

"Stop it, Clyve." I said grimly without cutting my stares to her.

Lumabi siya at binawi ang papel, handa ng umalis. Medyo nataranta pa ako dahil gusto ko naman siyang sagutin ng maayos pero nauna na ang iritasyon sa kanya.

My friends continued laughing at her. Mas dumagdag iyon sa asar na nararamdaman niya. Kung sa ibang tao lang siguro namin ito ginawa, baka naiyak na malamang. But this young woman only shrugged her shoulder before leaving us.

Pero bago pa siya umalis, muli siyang nagsalita.

"Akala niyo naman ke-gugwapo niyo. Ampapangit naman ng mga ugali niyo." She uttered in complete disgust before leaving us there.

Pero bago pa siya nakalayo sa akin, hinabol ko agad ang kamay niya't agad ko siyang pinigilan sa paglayo.

She glanced at me, still annoyed. But hell, I felt her stiffened when I held her arm. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko para hindi siya makalayo.

"Walk straight there." Ininguso ko ang corridor sa bandang kanan. "Turn right and you'll see a twin building. Iyon ang hinahanap mo." Seryosong sagot ko.

Kung doon ang tungo niya, ibig sabihin, she belongs to School of Allied Health and Sciences. Katabi lang ng building namin 'yon.
I met beautiful and sexy women before her. Most of them offered themselves. Lalaki lang din naman ako.

I get attracted and I have needs. Kaya bakit ako tatanggi kung sila na mismo ang naghahain sa kanilang mga sarili?

I was branded as the most notorious playboy of the campus. At first, it was overwhelming. I enjoyed it. I had some fair share with women but I don't play with their feelings. I clear things before engaging with them. No strings attached.

But...that lady...I can't take her out of my mind.

In the past months, agad siyang nakilala sa department nila. She's intelligent, an active student leader. I was eager to know her more but...she was warned ahead of time.

"Huwag na 'yon, Grae. Playboy daw 'yong si Alfie." Narinig kong usapan nila sa library.
Naroon ako sa kabilang shelf ng marinig ko 'yon.

I knew few things about her. Naipagtanong ko na rin siya sa mga kaklase niya. Hindi naman nila 'yon ipinagtaka dahil tulad niya, I am also part of the student council.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon