Grae
Sa sobrang excitement ni Alfie, hindi niya na napigilang sabihin sa buong pamilya ang kundisyon ko. Naluha pa nga si Mama, eh. Hindi makapaniwalang buntis ako.
"Hindi ko man lang napansin na buntis ka! Hindi ka naglihi, anak... ba't hindi mo agad sinabi ito sa amin?" si Mama.
"Kumukuha lang ako ng tiyempo, 'Ma." Tanging sagot ko.
Walang habas akong niyakap ni Alfie mula sa aking likuran. Sa harapan mismo ng mga magulang ko! He caressed my stomach as he listens to us talking with my parents. Nailang tuloy ako dahil hindi niya mapigilan ang sariling humawak-hawak at yumakap sa harapan nila.
Bumaba ang tingin ni Mama sa bandang tiyan ko. Kitang-kita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Malamang, hindi niya lang pinapahalata ang reaksyon niya dahil siguradong maiilang ako.
"Alfie, hindi ka pa kumakain." Sabi ni Mama sa asawa ko.
Humigpit ang yakap ng asawa ko sa aking tiyan. Natawa si Papa at naiiling na lamang na lumayo sa amin papunta sa kusina. Hindi natinag si Alfie, imbes na bumitaw sa akin dahil mataman ang titig ni Mama sa aming dalawa, isinandal pa niya ang kanyang baba sa aking balikat.
"Sasabay na lang po ako sa asawa ko, Mama." Sagot niya.
Uminit ang pisngi ko sa tinuran. His territorial stance is on it again way he emphasizes that I am his wife. Wala talagang pinipiling oras at pagkakataon. Idedeklara niya iyon kung kailan at paano niya gusto.
Hindi siya nahiwalay sa tabi ko. Kahit saang sulok ng bahay ako magpunta, nakasunod siya sa akin. Kung mahiwalay man siya sa akin, nakasunod naman ang titig niya. Nakakatawa nga eh. Kung makatingin sa akin, para inabandona ko na kapag nalalayo ako sa kanya ng bahagya. He always looked at me with his puppy-teary eyes every time I move away from him.
Kaya nang mapag-isa na kami ulit sa kwarto habang tahimik na nakahiga't magkatabi sa kama, he snuggled himself in my small and frail body. Sa laki niyang iyon, pinilit niyang isiniksik ang sarili sa akin habang nakayakap siya ng mahigpit sa katawan ko.
Hindi ko alintana ang bigat ng katawan niya. His head was pillowed on my arm. His large hand carefully covered my body. Iniwasan niya ang ibabang bahagi ng tiyan ko. While I got the chance to caress his head, combing his hair while giving him swift kisses on his forehead once in a while, we're both silent as we cherish this kind of chance to enjoy each other without doing anything.
Inalala ko noon ang mga nangyari sa amin. It was all in fast pace. We met in a bar, had sex, he got me pregnant, and we married each other. Kung tutuusin, mali ang sequence ng mga pangyayari. Wala kaming pagkakataon na makilala muna ang isa't-isa bago nagkaroon ng ganitong klaseng relasyon. We learned each other's likes and differences in the process of our marriage.
Kaya nang magkaroon ng problema, agad akong sumuko. Agad ko siyang sinukuan.
I felt guilty with my own words. Halos itaga ko pa nga sa bato noon na hinding-hindi ko pakakawalan ang asawa ko, through thick and thin, I'll never leave his side.
Pero ako pa ang unang nang-iwan, unang sumuko.
Mabuti na lang, hindi niya ako kailanman sinukuan. Mabuti na lang talaga, mahal na mahal niya ako.
"Alfie..." anas ko.
I was gently combing his hair. Hindi na ako magtataka kung nakatulog na naman ito sa mga bisig ko. But to my surprise, he moved a bit so our eyes will meet.
"Yes, hon?" he said lovingly.
Sinalubong ko ang kanyang mga titig. Bahagyang nangunot ang noo niya dahil hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha ko.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...