CHAPTER 19

1.9K 28 2
                                    

Grae


Mulat pa rin ang mga mata ko kahit malalim na ang gabi. Hindi na nakakain ng hapunan si Alfie dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at nakuha pa niyang umakyat papunta sa kwarto namin dahil kung hindi, baka sa sofa ko na siya pinatulog.

Inasikaso ko siya kahit na medyo hirap din ako sa pagkilos. Bagsak ang katawan niya sa kama at tuluyan ng nakatulog ng hindi pa nagpapalit ng damit. I took care of him. Kumuha ako ng pambahay sa closet at inilapag iyon sa kama. Sinunod ko naman ang kumuha ng maligamgam na tubig at isinalin sa palangganita sa banyo ng kwarto namin.

Nilinis ko ang buong katawan niya habang tulog siya. Bakas ang pagod at matinding kalasingan sa mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakalasing ngayong gabi pero nangako siya sa aking magsasabay kami ngayon sa hapunan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa kaisipang hindi siya tumupad sa pangako pero kalaunan, hinayaan ko na lamang iyon.

Kahit nawalan na ako ng gana ay pinilit ko pa rin ang kumain para sa anak ko. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom. Sumubo lamang ako ng kaunti at saka iniligpit na rin ang nailuto ko. Malungkot ako habang kumakain. Isabay pa na medyo masama ang pakiramdam ko. Hindi na muna siguro ako papasok bukas sa trabaho.

Alfie is sleeping soundly beside me. Ramdam ko ang rahan ng kanyang paghinga. Yumakap ako sa kanyang mainit na katawan. Nakaramdam ako ng comfort sa init ng katawan niya.

I was trying to get some sleep now. Ipinikit ko na ang aking mga mata at inirelax ang aking sarili nang marinig kong nag-vibrate ang cellphone ni Alfie sa bedside table katabi ng picture frame naming dalawa.

I opened my eyes. Normally, I don't check his phone because I mattered the privacy between us. Saka hindi ko naman talaga ugali ang makialam sa hindi ko gamit.

Nagtatalo ang isip ko kung titingnan ko nga ba iyon hahayaan ko o hindi na. May bumubulong sa isip ko na gusto kong i-check kung sino ang nag-text sa kanya ng ganitong oras. Kung trabaho man iyon, hindi ba't parang sobrang late na para roon?

I sighed. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at pinilit ko na ang sariling matulog na. Hindi na bale, baka sila Harold o Ate Garett lamang iyon. O kaya talagang sa trabaho lang, sobrang importante talaga. Siguro, nag-text lang kung sino man 'yon ng ganitong oras para kapag nagising si Alfie kinabukasan ay iyon agad ang unang mababasa niya.

Muli akong nagmulat ng aking mga mata. Ilang minuto pa lang ang lumipas ay hindi ko pa rin makuha ang tulog ko. Dumagdag pa sa gumugulong isipan ko ang kung sino mang nag-text sa kanya ngayong hatinggabi. Dalawang beses akong humugot ng malalim na hangin bago ako tuluyang bumangon para abutin sa gilid ni Alfie ang cellphone niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang pinagpapawisan ako ng malapot kahit na malakas at malamig ang buga ng aircon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ganito ba ang pagdududa?

Nanginginig akong binuksan ang cellphone ni Alfie. Bumungad sa screen niya ang wedding picture namin. Pero halos manlamig ako ng makita ko ang text notification doon.

Venice Zarragosa sent you a message.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko dahil sa nabasa. Parang kumukulo ang dugo ko sa matinding iritasyon. Ano ba ang kailangan ng babaeng ito? Nag-usap na kaming dalawa. Gaano man niya kaayaw sa akin dahil sa nangyari, kailangan niya pa ring respetuhin kung ano'ng naging desisyon ni Alfie!

He is already married to me. He is my husband!

Nagtatagis ang mga bagang kong binuksan ang mensaheng ipinadala niya sa asawa ko. Determinado akong sagutin iyon at magpakilala bilang ako. This woman needs to be put on her proper place!

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon