Grae
We never heard of the Zarragoza's after that painful talk with Venice. Para silang naglaho na parang bula sa sistema namin. Hindi na nagbalak na makipag-usap sa amin si Venice. Hindi na rin namin iyon pinag-usapan pa dahil iniisip kong hindi pa talaga handa si Alfie para roon.
Weeks passed and I already started working in the hospital. Ni-request ko sa asawa kong bawasan ang security na ibinigay niya sa akin pero hindi siya pumayag. Aniya, he doesn't want to lower down his guards, lalo na ngayon at tahimik na ang tinuturing niyang banta sa kaligtasan ko.
"They may be silent by now but we don't know what they're thinking." He sighed. "I'll see what I can do for that, hon."
Hindi ko nga alam na may ganoon palang nangyayari. Na minsang may nakarating na pagbabanta sa amin dahil sa nangyaring pag-atras ni Alfie sa kasunduan ng dalawang pamilya at sa pagkabagsak ng isa pang pamilya. Nagtanim ng sama ng loob ang ama nila Venice sa pamilya nila Alfie kaya ginusto nitong gumanti.
Nang ikwento niya sa akin ito, saka ko lang napagtanto kung bakit mahigpit niya akong pinapabantayan.
"Kaso...nahihiya kasi akong pumasok sa trabaho kung nakasunod sila sa akin palagi." Ani ko habang nakasandal ako sa kanyang malapad na dibdib.
Nasa veranda kami ngayon, tinatanaw ang kagandahan ng siyudad dahil sa kumikinang na mga ilaw na nanggagaling sa mga nagtataasang gusali. Naalala ko noon ang senaryo sa balkonahe ng kanyang kwarto. Ganito rin kami noon. Nag-uusap. Umamin ako sa kanyang may crush ako noon sa kanya. Hindi ko makakalimutan kung paano lumiwanag ang kanyang itsura nang malaman niya iyon.
I smirked at that thought.
He kissed my head and gently rubbed my lower abdomen. Dinarama niya ang tiyan kong wala pang umbok gawa ng pagbubuntis ko.
"Huwag kang mag-alala, they won't bother you. Nasa paligid mo lamang sila. Hindi ka nila magagambala." Sagot niya.
Hindi na ako kumontra pa. Para sa akin naman ang lahat ng ginagawa niya kaya kung ang paghihigpit niya sa seguridad ko ang makakapanatag ng loob niya, I'll gladly oblige to him.
Kaya nang magsimula ako sa pagtatrabaho, hindi ko na inalintana ang mga guards na ibinigay niya sa akin. Hindi rin naman sila nagpaparamdam sa tuwing naroroon ako. Though, they were just in the crowd, mixing themselves, alam kong nariyan lang sila. So instead getting conscious to their unknowing presence, pinagbuti ko na lang ang pagtatrabaho.
Na-deploy ako sa pinakahuling floor ng ospital, kung saan dito ina-admit ang mga VIP na pasyente. Sa ilang linggo ko pa lang na pagta-trabaho, agad akong naka-adapt sa bagong environment ko. Hindi ako namroblema sa paga-adjust dahil madali kong nakapalagayan ng loob ang mga staffs rito.
Hinahatid ako ni Alfie sa tuwing papasok ako sa trabaho. Kahit mas maaga ng isang oras ang pasok ko kaysa sa kanya, sinasabayan na niya ako sa paggayak para maihatid niya ako. Sa hapon naman pagkatapos ng duty, si Kuya Marcial na ang sumusundo sa akin dahil nasa opisina pa ang asawa ko.
Habang nagtatagal, naging maayos na ulit ang pagsasama namin dalawa. Our marriage was never been this peaceful before. Sa bahay, ginagawa ko ang lahat para maging isang mabuting may-bahay. Kahit na minsan, sinusumpong ako ng pagkabugnutin dahil sa pagbubuntis ko, hindi iyon alintana ni Alfie. He's always at my side to take care of me and support me whatever I do.
At sa trabaho, napupuri rin ako ng supervisor at ilang doktor na nakakasama ko.
"Ma'am Grae, pwede ka po ba naming i-pullout sa kabilang station?" tanong sa akin ng head nurse nang minsang napadalaw siya sa station namin.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomansaNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...