Grae
Kapapayag ko pa lang sa gusto niyang mangyari, rito na agad siya sa bahay tumuloy. Hindi ko alam na dala niya na pala ang ilang mga gamit niya. At ang sinasabi niyang office table para sa ise-set up na opisina sa loob ng kwarto ko, agad niya ring pinaayos.
Pinaghandaan talaga niya ang pagba-bakasyon niya rito. Sa tingin ko, kahit hindi ako pumayag sa gusto niyang mangyari, ipipilit niya pa rin ang sarili dito sa amin.
Dahil pagbaba namin galing sa kwarto, abala na pala silang lahat. Naroon din ang ibang kamag-anak namin. Parang may okasyon kung magsidayo rito sa bahay.
Iyon naman pala, nagpatawag ng simpleng piging ang asawa ko.
I shook my head and looked at him. Kasunod ko lamang siya sa hagdan. My brow arched when I saw a ghost of smile on his face. He looked apologetic, though. Sa hitsura niya ngayon, nakikita ko ang alangan niya sa pagsasalita.
Humakbang siya ng ilang baitang pababa hanggang sa magpantay ang paningin naming dalawa. Halos hindi ko siya matingnan ng mabuti dahil mataman ang mga titig niya sa akin. Bakas sa mga mata niya ang kasiyahan. Masaya rin naman akong nandito siya ngayon. Matagal kaming hindi nagkita. Sa telepono lang kami nag-uusap at madalas ko pa siyang masungitan.
"I hope my wife won't mind my invitation to our relatives to join us here today." Then he grinned.
Marahan akong umiling. Gulat man sa nadatnan ko, hindi ako kokontra roon. Matagal-tagal na rin ang huling pagsasama naming mag-anak. Ang huli nga ay noong ikinasal kami ni Alfie. Kahit magkakalapit lang ang bahay namin ay halos hindi kami magpang-abot dahil sa abala sa kanya-kanya naming gawain.
Hinawakan niya ang kamay ko at maingat na iginiya pababa para makasalo ang ilang kamag-anak.
Sa paglipas ng mga araw, naging maayos ang pagsasama namin. Ako man ay namangha dahil ang paga-akala kong magiging magulo lamang kami ay nauwi sa mapayapang pakikitungo sa isa't-isa.
Ihahatid niya ako sa ospital sa umaga habang siya ay sa bahay namin nagta-trabaho. Sa tanghali, magdadala siya ng tanghalian ko. Susunduin niya akong muli sa hapon pagakatapos ng duty. At sa gabi, magkasama kami sa kwarto.
I was never this peaceful before. Walang pinagbago ang pag-aalaga niya sa akin. His efforts even doubled. Natutunaw ang puso ko sa tuwing iisipin kong ganito niya ako tratuhin. Idagdag pa ang pagmamahal at respeto na ipinapakita niya sa pamilya ko.
Mabuti na lang, kahit marami kaming pinagdaanan sa halos isang taon naming pagsasama, hindi niya ako binitawan. Hindi niya ako sinukuan. He fought for me, for our marriage.
I am thankful for his love and patience for me.
Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian kasabay ng ilang staff nurse sa station. Kaaalis lang ni Alfie para maghatid ng kakainin para sa lunch. Madalas niya ring idamay ang mga kasamahan ko kaya gustung-gusto rin siya ng mga ito.
"Ma'am Grae, hindi mo naman sinabing sobrang gwapo pala ng asawa mo!" kinikilig na sabi ni Ma'am Aida, isa sa mga kasamahan ko na nurse rin sa station na iyon.
Lumabi ako. "Gwapo ba 'yon?"
Nanlaki ang mga mata niyang binalingan ako. "Ma'am! Mukhang kailangan mo nang magpa-refract ng salamin! Hindi mo na yata nakikita kung paano magsilingon ang mga staff dito sa ospital kapag dumarating ang asawa mo." She said hysterically. May kasama pang paglahad ng dalawang kamay niya.
I pouted the smirked. Hindi ko naman ikakaila iyon. Gwapo naman talaga siya. He's a head-turner. Walang kupas pa rin ang karisma nito. He stands out everywhere. Sa tangkad at tikas niya, walang hindi makakapansin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...