Grae
I gently opened my eyes when I heard voices calling my name. Ramdam ko rin ang paghawak ng kung sino sa aking ulo, ganoon din ang hangin na humahampas sa mukha ko.
"She's awake now." I heard a woman's voice. Oh, it's Lizette.
"I'm gonna bring her to the hospital!" mariin ang boses ng isang lalaki ng magsalita ito.
I blinked my eyes for a couple of times and adjusted my sight to the surrounding. There I saw, Alfie and Lizette beside me, while Cholo was fixing the direction of the electric fan. Agad hinagilap ng aking paningin si Papa. I found him sitting in the single couch while looking at me intently.
"I think she's fine now. Hindi na kailangan ng ospital." Cholo said. Umalis siya sa aming harap pero hindi rin nagtagal ay bumalik din siya at may dala na siyang isang baso na may lamang tubig. Inabot niya iyon sa akin ngunit maagap na kinuha iyon ni Alfie sa kanya at maingat niya akong pinainom.
I moved my body so I can sit. Inalalayan ako ni Alfie sa pag-upo. Then I drink my water.
"Are you okay?" he asked softly. I looked at him and I saw so much worry in his face. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya.
Hindi naputol ang titig ni Papa sa akin. Kung kanina ay hindi siya mapigil dahil sa galit niya, ngayon ay parang pipi itong hindi makapagsalita. Gio was sitting beside Papa. Habang ang mga kasama ko ay nakatulala lamang sa akin.
I sighed. I wanted to end this. To clear everything. Handa akong tanggapin ang galit ni Papa sa akin dahil may kasalanan din naman ako. Ngunit bago pa ako magsalita ay nakita kong tumayo si Papa mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa.
"Mag-usap tayong dalawa, Villanueva. 'yong lalaki sa lalaki." Aniya bago siya tuluyang umakyat sa taas. Naiwan kaming lahat sa sala. Hindi ko na rin napigilan si Alfie nang tahimik siyang sumunod kay Papa paakyat.
Lumapit si Gio sa akin at naupo sa tabi ko. Bakas na rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nahabag ako sa sitwasyon ko dahil imbes na makatulong ako sa kanila ng buung-buo ay hindi ko na iyon magawa dahil may responsibilidad na rin ako sa magiging anak ko, sa pamilyang bubuuin naming dalawa ni Alfie.
"Ate, u-uuwi na raw kami ni Papa." Sabi niya.
Umiling ako. "Dito ka maga-aral, Gio. Kami ni Kuya Alfie mo ang magpapa-aral sa'yo."
Hindi na siya nakaimik sa huling sinabi ko. Iniwan na rin naman kami ni Cholo at Lizette para makapag-usap kaming tatlo nila Papa at Alfie. Wala akong ideya kung ano na nangyayari sa itaas.
Inabot na kami ng halos isang oras sa paghi-hintay ni Gio sa sala. Nakatulog na rin siya sa sofa. Marahil ay dahil sa pagod niya sa biyahe. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng tiyan ko. I took out my phone and texted Alfie.
Ako:
Is everything okay there?
I stood up and went to the kitchen to drink some water again. Mahimasmasan man lamang sa tensyon sa katawan ko. Cholo told me that I was unconscious for less than two minutes. I got heightened up when Papa advanced to Alfie to punch him. Mabuti na lamang at mabilis din ang naging kilos ni Cholo dahil sa akin tatama ang kamao ni Papa kung sakali.
Lumingon ako sa bandang hagdanan ng maramdaman ko ang mga yabag ng mga taong nagsi-akyatan kanina. Ngunit ang ipinagtataka ko ay may halo iyong halakhakan. Tama ba itong naririnig ko?
Ngunit nang lumitaw ang mukha nila Papa at Alfie ay pareho silang nakangiti sa isa't-isa. May pinagu-usapan silang hindi ko masundan. At nang tuluyan na silang makababa ay si Papa ang unang kumausap sa akin.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...