CHAPTER 16

3.4K 42 2
                                        

Grae


They became busy for today. Binaklas na nila ang malaking tent na itinayo nila para sa kasal. Sila Papa, Greg, at Alfie naman ay nagpunta sa bukirin. Kami lang ni Mama at Gio ang naiwan ngayon sa bahay habang kumakain ako ng santol na may suka na binudburan ng kaunting asin.

"Magpigil ka nga, Ate! Pang-ilan mo na 'yan, oh!" saway sa akin ni Gio.

Kasalukuyan kong binabalatan ang pang-limang santol ko. I ignored him and continued peeling it using a knife. Maingat ko iyong binalatan dahil baka masugatan ako.

"Sasakit ang tiyan mo diyan, Ate. Isusumbong kita kay Mama!" dagdag niya.

Ngumuso ako sa narinig ko. Ngayon lang naman ako ulit naglambing ng pagkain pero heto't pinipigilan pa ako.

"Last na 'to, promise!" I said.

He tsked. Iniwan niya ako roon. I was busy munching my snack when they arrived. Pagod na pagod dahil nilakad nila galing sa bukirin habang tirik ang araw. Kung sila Papa lang, sanay na sila. Pero itong asawa ko, mukhang hindi. Pero tingin ko naman ay kaya niya iyon. Of course, he doesn't want to look like a baby in front of my father.

He sat beside me while looking at the fruit that I'm eating. Kinuha ko ang bimpo na nakapatong sa kanyang balikat at pinunasan ang namuong pawis sa kanyang noo at leeg.

"You want more of that, hon?" nguso niya sa santol na hawak ko.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "Last na ito. Naparami na ako ng kain eh."

He looked at the direction where my father and my brother went to. Papunta iyon sa kusina. Lumingon din ako ng bahagya roon at nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, mabilis siyang nakanakaw ng halik sa akin!

Namilog ang mga mata ko sa kanyang ginawa. He chuckled when he saw my reaction. Hinampas ko ang kanyang dibdib habang kagat ko ang aking labi. I giggled, too.

We looked like teenagers sneaking for a make out in our living room!

He held my chin. "We'll return to Manila this afternoon."

Kibit-balikat akong tumugon sa kanya. "Okay. Si Gio pala, paano?" I asked.

"Hindi na pumayag si Papa na unang plano natin. But he agreed that we'll support his studies. Mabuti na lamang at pumayag siya."

I pouted. "Sino'ng makakasama ko kapag tumigil na ako sa pagta-trabaho?"

"Don't worry about that. May apo ang isa sa mga kasambahay namin sa mansyon. Pwede ko siyang pakiusapang tumira sa atin habang nasa trabaho ako." Nakangiting sabi niya.

"Ikaw na ang bahala." Nakangiting sagot ko.

Alfie became busy until noon. Puro tawag sa opisina ang inasikaso niya. Nakaharap siya ngayon sa kanyang laptop habang nasa kubo namin siya sa ilalim ng puno ng mangga. Heto naman ako't nakasandal lamang sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip at mataman siyang pinagmamasdan.

He's a busy man. Siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya para magpatakbo sa negosyo nila. Oo nga't katuwang niya ang kanyang kapatid ngunit siya pa rin ang madalas nilang kailanganin sa opisina.

Naramdaman kong may presensya na papalapit sa likuran ko pero hindi ko iyon gaanong binigyan ng pansin. I was looking at my husband intently habang nakikipag-usap sa kanyang cellphone at nakaharap ngayon sa kanyang laptop.

"Ganyan ba talaga 'yan kaabala sa trabaho, anak? Mula kaninang umaga ay hindi iyan natigil bago sila nagtungo sa bukirin." Dinig ko ang boses ni Mama sa aking likuran.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon