CHAPTER 35

4K 52 6
                                        

Grae


All the succeeding days went well and fine. Mas lumalim ang relasyon namin ni Alfie. We became closer each passing day. At katulad pa rin ng dati, inalagaan niya ako ng husto, doble sa kung paano niya ako alagaan noon.

Kaya lang, kinailangan niyang bumalik ng Maynila. May emergency daw sa trabaho at kailangang asikasuhin niya iyon ng personal.

Niyakap niya ako mula sa aking likuran habang tahimik kong iniimpake ang kanyang mga gamit sa kanyang bag. Alam ko, mabigat sa loob niya ang pag-alis niya. Kulang na lang, tanggihan niya iyon at harapin na lamang ang problema kahit nandito siya. Pwede naman siyang magpadala ng tao kung gugustuhin niya pero ako na rin ang nagsabing tingnan niya na iyon ng personal.

"I'll miss you." Malambing na bulong niya sa akin. He snuggled me and made his way to place his face on my neck.

Napasinghap ako ng dampian niya iyon ng masuyong halik. Nalulungkot din naman ako sa pag-alis niya. Of course, I'll miss him, too. Pero hindi lang naman ako ang responsibilidad niya. May mga taong umaasa rin sa kanya sa trabaho. Kung hindi niya iyon tututukan ng mabuti, paano na lang ang kumpanyang pinapatakbo nila?

Isiniksik ko muna ang huling damit niya sa kanyang itim na travelling bag bago ko siya hinarap. Bahagya niyang niluwangan ang pagkakayakap sa akin para makapihit ako paharap sa kanya.

My arms snaked his nape and gave him a quick kiss. Hinapit niya ako sa baywang, caging my body fully on him. Mas lalo kong naramdaman ang pangungulila. Hindi pa siya nakakaalis, pero nami-miss ko na siya.

"Hindi pa ako nakakaalis pero nangungulila na ako sa'yo." Nanghihinang sabi niya sa akin.

And just what I am thinking, pareho pa pala kami ng iniisip!

"Sumama ka na lang sa akin, please?" namamaos niyang pagmamakaawa sa akin.

Humugot ako ng hangin. Pwede rin naman iyon kung tutuusin. Gusto ko rin naman siyang makasama na. Simula nang dumating ulit siya rito, nasanay na ako ulit na siya ang katabi sa pagtulog. Iniisip ko pa lang na mag-isa na akong matutulog mamayang gabi, para na akong maiiyak!

Pero hindi ko naman pwedeng iwan na lamang basta-basta ang trabaho ko. Kung magre-resign din naman ako, hindi ako agad makakaalis dahil kailangang makahanap din sila ng magiging kapalit ko.

Kailangan kong pag-isipan ito ng mabuti. Nakakaawa ang asawa ko. Seeing him miserable because of our distance again makes my heart melting.

"May aayusin lang ako. I'll be with you soon." Sagot ko.

Akala niya siguro, sinabi ko lang sa kanya iyon para gumaan ang pakiramdam niya. I saw his eyes glistened together with a faint of hope and pain lashed on it.

Buo ang loob ko nang tunguhin ko ang opisina ng Chief ng ospital para magpaalam na magre-resign na. Bitbit ko ang resignation letter ko na ginawa ko kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho. Pinag-isipan ko na ito kagabi. Habang nakahiga ako't naiisip si Alfie, napagtanto kong hindi ko kayang malayo sa asawa ko.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Grae?" tanong sa akin ng matandang chief.

Tumango ako. "Yes, Ma'am. Pasensya na po't umabot ako sa ganitong desisyon. Alam kong bago lang po ako rito pero kinakailangan ko na kasing bumalik ng Manila."

Umayos siya sa pagkakaupo niya mula sa kanyang swivel chair. She leaned his arms on the table and intertwined her finger altogether.

"I understand. But you know the policy, right? Give us time to look for your replacement. Kung iiwan mo ang post mo ng walang sasalo, mahihirapan ang ibang staffs."

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon