CHAPTER 3

3.7K 58 13
                                    

Grae


Habang nasa sasakyan kami, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng mga posibleng mangyari. Ngayong nasabi ko na sa kanya ang kalagayan ko, dapat ko na ring malaman kung may plano ba siya tungkol dito, kung meron man.

Kapag nakarating na lang siguro kami sa apartment, doon ko siya kakausapin.

Nakapirmi ang mga mata ko sa kalsada. Paano ba dapat ang set-up? Saka paano ba dapat ang gagawin? Of course I will demand financial support from him. Iyon nga ang nag-udyok sa amin nila Zette at Cholo kaya namin siya pinuntahan sa bar kanina.

"Grae..." I heard his baritone voice. I automatically looked at him.

"H-Huh?"

He sighed. "You're spacing out. Kanina pa kita kinakausap." He said gently.

I bit my lower lip and gave him an uncertain smile. "Sorry."

"Are you worried?" He glanced at me for a while bago muling itinuon ang tingin sa daan.

"M-Medyo." My voice cracked. Itinuon kong muli ang atensyon ko sa kalsada. Pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Alfie ang kaliwang kamay ko. He caressed it dearly.

"Don't be. I'll take care of everything." He said confidently.

"Gusto mo bang magpa-paternity test? Para mapanatag ang loob mo. You see, I went to you and dragged here in this situation. Hindi ka ba nagdududa na baka...niloloko lang kita?"

I closed my eyes with the kind of thoughts that I said. Tama bang tanungin ko pa siya ng ganoon? Pero at least, I gave him an option, right?

"Tss. Bakit pa? I don't need it. Akin yan. Sigurado ako diyan." He said confidently.

Nang mai-park niya nang mabuti ang sasakyan sa harap ng apartment na tinutuluyan namin, I unbuckled my seatbelt ngunit nagsalita siya na siyang ikinatigil ko.

"Stay there." He commanded. Maagap siyang lumabas ng sasakyan.

"Ha?" I said.

I saw how swift his moves are. Lumiko siya sa kabilang side ng sasakyan. He opened the door for me. And when he offered his hand, tinanggap ko iyon ng walang paga-alinlangan.

He gave me a smile after he closed the door.

"Pumasok na tayo sa loob. Gabi na. Hindi magandang nagtatagal ka rito. Baka mahamugan ka." Aniya.

"P-Pati ikaw?" Takang tanong ko sa kanya.

Tumango siya. Iginiya na niya ako papasok sa maliit na gate ng apartment. Dahil naiwan ko ang susi ko sa loob ng bahay, yumuko ako para kunin ang nakatagong ekstrang susi sa ilalim ng malaking paso na may halamang palmera malapit sa pintuan namin.

"What are you doing?" Alfie asked.

Tiningala ko siya. "Ah... kinukuha ko 'yong spare key. Hindi ko dala ang susi ko."

Pinatayo niysa ako. "Let me." Yumuko siya. Inangat niya ng bahagya ang paso. Nang makita niya ang susi, agad niya itong kinuha at ibinigay sa akin.

"That's heavy. I won't allow you to lift things like that."

I gave him a small smile dahil hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin.

"Tuloy ka." Ani ko. He stepped inside at mabilis na iginala ang paningin niya sa kabuuan ng buong apartment.

"How many of you live here?" he asked.

"Tatlo. Ako, si Lizette, at---" he cut me off.

"And your boyfriend..." putol niya sa akin. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon