Grae
Binabagtas namin ngayon ang daan pauwi sa apartment na inuupahan namin nila Cholo at Lizette. Siguradong naga-alala na sila ng husto dahil umalis ako ng walang paalam. My cellphone's turned off dahil dead battery na at I can imagine the horror of their faces when I go home after I left them in the bar without saying a word.
Tahimik lamang kami ni Alfie sa loob ng sasakyan. No one dares to break the silence. Nagpapakiramdaman lamang kaming dalawa. Sa tuwing gagalaw ako, agad siyang lumilingon sa akin. Ganoon din ako sa kanya.
Hindi naman ako inosente sa mga ganitong bagay. My friends were very graphic each time they talked about sex and their experiences. Ako na lang yata ang birhen sa amin. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil wala naman akong naging boyfriend. Meron namang mga pumorma noon pero kapag kumakalat na nililigawan nila ako, bigla na lang silang tumitigil.
Naisip ko tuloy, pang-secret relationship lang yata ako.
But look at me now, I never had a boyfriend but I'm already tainted and marked by someone who's not even my boyfriend.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Hindi na yata natagalan ni Alfie ang pagiging tahimik ko kaya itinabi niya na ang kotse niya at hinarap ako.
"Hey... Are you okay? You're making me worried." He said. I looked at him with a blank expression.
"Aren't we supposed to go separate ways after we had sex? Hindi ba gano'n naman ang one-night stand?" I asked.
I saw how his jaw clenched with my questions. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tanong ko sa kanya. Pero this whole thing is confusing me. Ang namumuong emosyon sa puso ko ang nagu-udyok sa aking umasa na baka pwede kaming dalawa...beyond sex.
Relationship, or even friendship.
O baka naman nagi-guilty lang siya dahil birhen ako nang makuha niya.
I smirked at my own thoughts.
Hindi niya ako sinagot at hinarap na lamang ang kalsada. "Bakit ba kanina mo pa idinidikdik sa akin 'yan, Grae?"
I laughed sarcastically. "Because this whole thing is making me confuse! You are supposed to let me go out in your condo after we did that...thing! Pero ano'ng ginagawa mo? You're showing concern towards me? May pahatid pa talaga?"
Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. I know it hits him.
Sinimulan niyang paandarin ulit ang sasakyan niya. "Don't worry, we won't see each other again after this. If this is bothering you, just treat it as my act of kindness." He coldly said.
Hindi na kami nag-imikan hanggang sa marating namin ang apartment ko. I took off his jacket at inilagay sa upuan.
"Thank you." I said. Hindi siya sumagot o lumingon man lang sa akin. Nang makababa ako sa sasakyan niya, mabilis niya iyong pinasibad.
Tinungo ko na ang gate ng apartment namin. Bukas na ang ilaw sa sala, ibig sabihin, isa sa dalawang kasama ko ay gising na. Binuksan ko ang pintuan at nadatnan ko si Lizette na nagka-kape sa mesa.
"G-good morning..." alangan kong bati sa kanya.
Tiningnan niya ako at ngumiti siya ng nakakaloko. "Good morning!" maaliwalas na bati niya.
Bahagyang nangunot ang noo ko sa inaasal niya pero hindi ko na iyon pinansin. Dahan-dahan akong pumanhik sa taas pero hindi pa ako nakakapangalahati ay binabaan ko siya.
Bakit parang hindi siya nag-aalala sa akin na umuwi ako ng ganitong oras? O nang iwan ko na lang sila kagabi ng walang paalam?
Nadatnan kong nagse-cellphone si Lizette habang humihigop ng kape. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng mapansin niyang bumaba ako ulit. Nakataas na ngayon ang isang kilay niya.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomansaNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...