CHAPTER 31

2.7K 31 6
                                    

Grae


My lips parted in so much joy as the kit drew two red lines on it. It's very evident. Hindi mapusyaw ang pangalawang linya. Malinaw na malinaw iyong lumitaw ilang segundo lang ang nakalilipas. Parang sinasabing sigurado ang sinasabing resulta.

Kumakabog ang puso ko sa sobrang excitement! I have a new baby! He or she is growing in my womb! Hindi ko mapagsidlan ang galak sa aking puso. Nawala man sa akin ang unang anak ko, biniyayaan naman akong muli ng isa pa.

It's like my life is redeemed from the pain of loss and misery. Iniisip ko pa lang na may buhay na naman sa loob ng katawan ko, kahit hindi ko pa siya nakikita, mahal ko na siya agad.

Nanlamig ako sa naisip. May buhay muli sa loob ng sinapupunan ko. Ibig sabihin, I have to take care of it now. I don't care if it will double, or even triple my effort, or even I lost count for ensuring that she'll be safe in my arms, hinding-hindi ako mapapagod na protektahan siya.

I will do everything to protect her.

Hindi ko muna ipinaalam sa pamilya ko ang aking natuklasan. Kahit kay Alfie, na ilang beses nang tumawag sa akin ay hindi ko sinabi. I just texted him that I'm fine because I really don't like to hear his voice. Naiinis ako lalo kapag nangungulit siya sa akin tungkol sa kagustuhan niyang bumisita rito.

"Kapag pumunta ka rito, hindi ako magpapakita sa'yo!" inis na sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.

Katatapos ko lang maligo. Naghahanda para sa bagong shift ko sa ospital. Sinadya kong gumayak ng mas maaga dahil dadaan muna ako sa clinic ng OB-Gyne. Kailangan ko nang magpa-check-up para malaman ko kaagad ang kalagayan ko lalo na't may history ako ng miscarriage. I maybe a healthcare provider at maalam sa mga ganitong bagay pero kailangan kong maniguro.

He only chuckled naughtily. Mas lalong nag-init ang tenga ko dahil sa nakakaloko niyang halakhak. I could turn off this call at magpatuloy na sa ginagawa. Pero sa isang banda ng isip ko, ayokong ako ang gagawa no'n dahil baka pagsisihan ko lang ang naiisip.

I always shut him off but I don't want him to stop bugging me at the same time.

"Don't you miss me?" he asked. Sa rahan at baba ng boses niya, para akong kinikilabutan.

He started to take charge again in their company. Hindi niya ako madalas balitaan pero may media. Doon ko rin nalaman ang tungkol sa unti-unting pagbagsak ng mga Zarragosa. Hindi ko na lang iyon inungkat sa kanya dahil ang pag-usapan siya ang pinakahuli kong gustong gawin.

"Alfie, may trabaho pa ako."

He sighed. Dinig ko ang malalim na hugot at pagbuga niya ng hangin.

"I missed you, wife." He said tenderly.

I miss you, too, I almost uttered.

Pero ewan ko ba sa sarili ko. The longer I hear his voice, lalo akong naiirita.

"Sige na. Ibababa ko na 'to." Paalam ko.

"Alright, hon." Sagot niya.

"And withdraw all your men here, Alfonso! You don't have to protect me this much! Nandito ako sa balwarte ko. Walang gagalaw sa akin dito!" Pagalit kong turan sa kanya.

Wala nga siya sa tabi ko pero nag-iwan siya ng sandamakmak na bodyguards sa amin. Kahit hindi naman talaga sila rito naglalagi, nararamdaman ko ang pagsunud-sunod nila sa akin. Kahit sa pinapasukang ospital, nakasunod sila sa akin. Papalibutan nila ang lugar kung nasaan ako.

And I think that's too much.

"I just want to protect you since I'm not around." Depensa niya.

"Pero sobra na 'to." Katwiran ko.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon