Grae
My lips rose in irritation nang hindi niya pa rin ako sinasagot. Unti-unti nang umuusbong ang mga hinala sa utak ko pero ayoko siyang pangunahan. After all, I can give him the benefit of the doubt.
"Ano na? Hindi ka pa rin magsasalita?" I snapped. I am starting to lose my patience.
Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. I saw his weary and worried stares. Iba na talaga ang kutob ko sa kanya.
Then he sighed. "I already told him about us." Malumanay niyang sinabi sa akin.
Tumaas ang kilay ko at napatuwid ako sa aking pagkakatayo. "What do you mean about us? Alam niya na 'yong sa..." nabitin ang mga salita ko.
He nodded. He came closer to me again and held my elbow. "Don't think too much, Grae. You're just stressing yourself."
Ako naman ngayon ang tumango sa sinabi niya. Pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinagot niya sa akin. May bumubulong sa sulok ng isip ko na may kailangan pa akong malaman. Kaya nang tapatan ko ang mga titig niya sa akin, I grimaced at him.
Malalaman ko rin 'yang tinatago mo, Alfie.
He just laughed at my reaction. Akma pa akong magsasalita nang biglang tumunog ang intercom sa mesa niya.
"Sir, Ma'am Venice is here." Sabi ni Harold.
I stiffened when I heard her name. Finally, makikita ko na rin ang sinasabi nang mga nagbubulungang bubuyog sa elevator noon. Hindi agad sumagot si Alfie sa sinabi ni Harold. Instead, he pulled me against him and wrapped his strong arms on my waist. Hindi na ako nakapag-protesta sa ginawa niya.
He brushed the tip of his nose on mine. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin. I placed my hands on his chest para hindi tuluyang dumikit ang katawan ko sa kanya.
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Anas ko sa kanya.
Ngumisi lamang siya sa sinabi ko. "Stop being curious, honey. Ang importante, akin ka na ngayon."
Natawa na lang ako sa sinabi niya. I shook my head in amusement. Muling tumunog ang intercom.
"Sir?" ani Harold.
I pinched the sides of his abdomen and pushed him so I could get out from his caging arms. "Mamaya ka sa'kin pag-uwi. Humanda ka."
He winced from the pain while laughing. Muli niyang kinagat ang kanyang mga labi. Ang lalaking ito! Hindi ko nakita sa kanyang mukha ang pagkakabahala sa banta ko. Instead, I saw how his eyes gleamed when I spat my words at him.
Nakita kong pinindot niya ang intercom at sinagot si Harold.
"Let her in, Harold." Alfie said with authority.
Bumalik ako sa aking mesa at nag-simulang ayusin ang mga gamit ko. It's almost five in the afternoon. Ganitong oras ang uwi namin kahit abala si Alfie. Kung kailangan niyang mag-overtime ay nag-uuwi na lamang siya ng trabaho.
Maluwang na bumukas ang pintuan ng opisinang iyon at iniluwa ang isang babaeng maputi at matangkad. She looks sophisticated in her all white one sided balloon sleeve jumpsuit na pinaresan niya rin ng itim na stiletto. Her long and straight jet black hair flows smoothly as she graces on her way to Alfie's office table. Plastado rin ang mukha niya dahil sa kanyang make-up.
Maganda nga talaga. Parang beauty queen.
Pero mas cute ako.
"Hi! I haven't seen you for a while." She said while she smiled widely at him.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...