CHAPTER 30

2.9K 28 5
                                    

Grae


Sa mga sumunod na linggo, naging abala nang muli sa trabaho si Alfie. Sa bahay pa rin naman siya nagta-trabaho habang ako, nandito lang sa bahay maghapon.

Ipinilit ko sa kanyang ako na lang ang gagawa sa mga gawaing bahay dahil wala naman akong ginagawa rito maghapon. Wala pa akong natatanggap na tawag sa mga in-apply-an ko. Kesa naman sa maburyo maghapon, naghahanap ako ng pwedeng pagkaabalahan.

Kinatok ko siya sa library isang hapon. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakatutok siya sa kanyang laptop. Nag-angat siya ng tingin ng makita akong naroon, nakasilip pero hindi pa nakakapasok.

"May I come in?" I asked.

Sumandal siya sa kanyang swivel chair at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Maluwang kong binuksan ang pinto at marahang isinara iyon. Paglingon ko sa kanya, nakatukod ang magkabilang siko niya sa arm rest ng swivel chair habang pinagmamasdan niya ako. His playful stares drifted on me. Hindi ko tuloy alam kung ano'ng magiging reaksyon ko.

My face heated when he suddenly winked at me. Hindi na ako makatingin sa kanya ng diretso! Parang may nagrarambulan na kung ano sa tiyan ko. Ano ba itong ginagawa niya? Kahit ang paghinga ko, nawala na sa ritmo!

Nang makalapit ako sa kanyang office table ay mas lalong lumuwang ang ngiti niya.

"Come closer, honey." He said in a raspy voice.

Humakbang akong muli. Nasa gilid na ako ng kanyang mesa malapit sa swivel chair. Nilalaro na niya ngayon ang kanyang pag-upo, turning his chair from side to side, slowly, while still looking at me.

"Closer." He said again.

"This is fine." Sagot ko.

Ano ba ang ibig niyang sabihin sa closer? Eh kaunting distansya na lang ay magtatama na ang mga tuhod namin.

Inabot niya ang isang kamay ko at marahan akong hinila sa kanyang harapan. He's guiding me to sit on his lap. Nangunot ang noo ko, nagprotesta sa gusto niyang mangyari. He only pouted and made his way again so I can sit on his lap.

Hindi na ako nagprotesta. Nagpatianod na ako sa gusto niyang mangyari. Pinaupo niya ako sa kanyang kandungan. Ipinagtabi niya ang aking magkabilang hita at ipinulupot ang isang braso sa aking baywang. He spread his legs a bit so he can support my weight. Ako naman ay nanatiling naupo lamang at hindi na makaimik dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

He put my head on his hard chest. The natural heat on his body made me feel comfortable. Para akong batang hinehele. We can actually be like this the whole day...kung hindi lang naging ganito ang sitwasyon namin.

The past made me feel more vigilant with my heart. I made a barrier to anyone, even with my husband. Ayoko nang maulit ang dati. Iyong madali lamang para sa kanila ang saktan ako dahil hindi ko naman kailanman naisip ang lumaban. Maybe I lost my cool when I caught them kissing in his office, but I felt disgusted after that. Hindi ako iyon. Hindi ako ganoon. At sa tuwing naiisip ko kung gaano ako nawala sa sarili nang kainin ako ng matinding poot, inaamin kong may parte sa akin ang nagsisisi kung bakit ko nagawa iyon.

"What brings my baby here, hmm?" malambing niyang tanong sa akin.

I bit my lip trying to suppress any emotion that his words brought unto me. Kapag nagiging malambing siya, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Minsan masaya, minsan naman, nakakairita.

Tumikhim ako at sinubukang lumingon sa kanya, only to find out that I'm gonna meet his face. Tumama ang mga labi ko sa dulo ng kanyang matangos na ilong, making it look like I've kiss him there.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon