Grae
"Hon..." tawag ko sa kanya habang abala siya sa walk-in closet.
"Yes, honey?" sagot niya mula roon. Medyo malakas ang boses niya dahil siguro sa distansya naming dalawa.
Hindi ko pa pala nasasabing may interview ako ngayong ala una ng hapon sa ospital kung saan ako nag-apply. Nawala 'yon sa isip ko kagabi. Naging abala siya sa mga bisita namin at sa hapon naman, niyaya ko siyang mamasyal sa mall.
Sumunod ako sa kanya sa walk-in closet. Nadatnan ko siyang nagsusuot ng boxer shorts niya. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinagkrus ang aking mga kamay sa aking katawan habang pinagmamasdan ko siya. Awtomatikong dumapo ang mga mata ko sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. I bit my lip I was able to have a peek with his toned butt. Parang tinapay na mayaman sa yeast dahil sa tambok no'n. Humarap ang katawan niya at pinasadahan din ang namumutok na muscles niya.
Grabe. Ang ganda ng katawan. Eight-pack abs with a beautiful V-line.
Sobrang ganda ko ba talaga para mapasaakin itong lalaking ito.
"What a beautiful view..." bulong ko.
"Kung saan-saan ka na naman nakatingin." Aniya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko napansing pinagmamasdan na pala niya ako while I was busy checking him out. Nakapamaywang siyang nakatayo at mayabang na iminuwestra lalo ang katawan niya sa akin.
I scoffed. Umayos ako ng tayo para lapitan siya. Pumili ako ng dress shirt na naka-hang sa cabinet habang nakaupo siya sa maliit na divan roon.
"Eh ano ngayon kung tinitingnan ko?" inabot ko ang hanger para tanggalin ang damit at ipasuot iyon sa kanya. Nang lingunin ko siya, suplada kong itinaas ang isang kilay ko.
"Akin naman 'yan, ah?" then I sneered.
Malakas na halakhak ang pinakawalan niya nang sungitan ko siya. Lalo akong nakaramdam ng inis sa pagtawa niya! Sa totoo naman ang sinabi ko. Subukan niya lang na humarap sa ibang babae na ganito ang itsura niya, maghahalo ang balat sa tinalupan!
Ipinasuot ko na ang dress shirt na hawak ko. Hinayaan kong siya na ang magbutones dahil mamimili pa ako ng slacks niya. Nang makapili ay agad kong tinanggal iyon sa hanger at inabot sa kanya.
Inuna niyang isinuot ang slacks habang ibinubutones ko mula sa itaas ang dress shirt niya. Inayos naman niya ang pagkakatuck in nito ng matapos ako. Gusto ko siyang asikasuhin. Gusto ko, ako ang naghahanda ng mga kinakailangan niya bago siya pumasok sa trabaho.
Ito 'yong mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya noon. Sa loob ng isang taon na nagsama kami bilang mag-asawa, nabibilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses ko lang iyon nagawa sa kanya. Dati naman kasi, hindi niya ako pinapakilos dito sa bahay. Noon kalakasan naman ng away namin, siya ang naga-asikaso sa akin.
He even took a leave at work just to take care of me.
Speaking of work, kailangan ko nga palang magpaalam sa kanya.
Habang inaayos ko ang kanyang neck tie, gumapang ang kamay niya sa magkabilang baywang ko. Bahagya akong nakiliti pero tumikhim lang ako at nag-concentrate sa ginagawa.
"Mukhang may kailangan ang asawa ko ah?" masuyo niyang bulong sa akin.
Natigil ako sa pagtatali at nag-angat ng tingin sa kanya.
"Paano mo nasabi?"
He pursed his lips to hide a ghost of smile. Nairita ako sa tingin niyang nakakaloko. Hindi rin siya agad nagsalita. Kaya ang ginawa ko, hinigpitan ko ang pagkakatali sa neck tie niya! Sapat lang para makuha ko ang atensyon niya.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...