CHAPTER 38

2.9K 33 6
                                    

Grae


"Oh ano? Kumusta?" 'yon ang ang bungad sa akin ni Cholo pagkalabas ko sa conference hall.

"Okay lang naman." Tipid na sagot ko habang inaayos ang gamit ko.

"Kumusta nga? Ang tagal mong lumabas eh." Pangungulit niya sa akin.

Tapos na ang interview. Ako ang huling aplikante na kinilatis ng mga panelist. Nauna pa silang lumabas sa silid dahil kinausap pa ako ni Ma'am Miles, ang HR clerk nila. Binigyan niya ako ng checklist ng mga requirements na kailangan kong i-provide bago pumirma ng kontrata.

Kung maibibigay ko raw iyon sa loob ng tatlong araw, next week daw pwede na akong mag-umpisa.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko habang tinitingnan ko si Cholo na medyo kabado pa kung nakuha ako o hindi. Nang makita niyang nakangisi ako, lumiwanag na rin ang mukha niya't ngumiti na rin ng maluwag sa akin.

He clapped and jumped a little. "Sabi ko na nga ba eh!" maarte niyang sabi at saka tumili na parang tanga.

Kami na lang naman ang naiwan sa hallway na 'to kaya kahit magladlad siya sandali ay ayos lang. Kaso ang baklang 'to, mas matindi pa ang tuwang nararamdaman kesa sa akin.

"I knew it! Sabi ko naman sa'yo, chicken lang 'yang interview na 'yan!" aniya habang paalis na kami roon.

Papunta na kami ng cafeteria para mag-meryenda. Ginutom ako sa interview na 'yon. Hindi naman iyon ang first time ko pero pakiramdam ko, parang ganoon na nga. Lahat ng pwede nilang itanong sa akin, ibinato nila. Mula sa academic credentials ko, family background, hanggang sa working experience ko.

Buti na lang, hindi iyon masyadong na-tackle dahil ang pagiging volunteer ko sa probinsya ang kauna-unahang naging trabaho ko pagkatapos kong grumadweyt.

Saka sa family background, hindi rin naitanong kung sino ang asawa ko. Knowing that I am already using my husband's surname, I was expecting a little that they will ask if I am related to the Villanueva's heirs. Hindi naman kaila ang pagkakakilanlan nila eh. Maaaring may mga kapareho sila ng apelyido pero ang pamilya nila Alfie ang pinakakilala rito sa bansa.

Hindi ko kasi gustong ipaalam muna sa madla ang pagiging asawa niya. May kaunti pa akong alinlangan. Marahil ay dahil sa nangyari noon. Pakiramdam ko, kapag nalaman ng lahat na ako ang napangsawa ng panganay na anak ni Simon Villanueva, puputaktihin ako ng media at ilang kakilala nila sa negosyo.

I just wanted a peaceful living with him while we are building a happy family.

"Sinabi mo bang buntis ka?" tanong ni Cholo habang kumakain kami ng sandwich sa isang table sa gilid ng canteen.

Tumango ako. "Oo, nasabi ko sa clerk. Hindi ko naman pwedeng ilihim sa kanila ang kundisyon ko eh."

"Sana magka-station tayo. Pwede kong i-request sa tita ko. Hindi naman masyadong toxic sa pedia ward. Hindi ka naman pwedeng madeploy sa emergency room dahil sa kalagayan mo"

I shrugged my shoulder and continue eating my food. Gutom na gutom na talaga ako. Kung hindi pa ako mabubusog pagkatapos kong kainin ito, hihirit pa ako ng isa para lang mabusog.

Medyo lumalakas akong kumain nitong mga nakaraang araw. Normal lang naman siguro 'to dahil buntis nga ako. Medyo worried lang ako kasi napansin kong nananaba ako. Maybe I should consult my OB again.

Alam kong hindi na ako masusundo ng asawa ko dahil dati niyang ibinilin na may meeting siyang kailangang puntahan. Naghihintay na si Kuya Marcial sa akin sa parking area habang papalabas kami ni Cholo sa ospital. Gusto ko pa sana silang yayain ni Lizette na mamasyal pero umismid lang siya sa akin.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon