CHAPTER 20

2.7K 28 10
                                    

Grae


"She needs more rest, Mr. Villanueva. Medyo mataas ang blood pressure niya't above normal din ang heartbeat. May iba pa ba siyang nararamdaman bukod dito?"

Iyon ang narinig kong boses ng isang babae. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Pero nang maramdaman ko ang kirot ng aking ulo ay pumikit ulit ako ng mariin.

"Hon?" narinig kong tawag sa akin ni Alfie.

I didn't mind him. Mas nagconcentrate ako sa nararamdaman ko. It was like a lightning of pain. Dumaan lang. Hindi na nagtagal.

"What do you feel?" mahinahong tanong sa akin ng boses babae sa tabi ko.

Muli akong nagmulat ng aking mga mata. This time, I have a clearer vision of them. Alfie is standing in the foot bed while the...doctor is sitting next to me. Nakasukbit sa kanyang batok ang stethoscope habang inaayos ang bp apparatus sa kanyang maliit na bag.

Umiling ako. Hindi ko alam ang isasagot.

Parehong pisikal at emosyonal na sakit kasi ang nararamdaman ko ngayon.

"Ang sabi ni Mr. Villanueva, sumasakit daw ang likod mo?" she asked.

Tumango ako. Nandito na rin lang naman ang doctor, pagkakataon ko na iyon para isangguni sa kanya ang nararamdaman ko.

"In a scale of 1-10, how much pain do you feel?"

Lumunok ako. Sandali kong sinulyapan si Alfie. He looked worried. Nakahalukipkip lamang siya habang tinatanaw akong nakahiga sa kama.

Ibinalik ko ang aking tingin sa doktor. Kahit siya, mataman din akong tinitingnan.

"F-four, doc." Sagot ko.

"Are you sure?" agap na tanong ni Alfie. "Doc, I am sure what I saw. Namimilipit siya sa sakit kanina. Baka mataas lang ang pain tolerance niya." baling niya sa doktor.

Nilingon lamang siya nito at saka bumuntong-hininga. Ibinalik niya ang mata niya sa akin at muli akong tinanong.

"Kailan pa ito nag-umpisa?"

"Few days ago." I bit my lower lip. "The pain is bearable, doc. I can manage it." Paninigurado ko sa kanya.

"What?" anas ni Alfie.

Tumangu-tango ang doctor at saka may isinulat sa kapirasong papel. Niresetahan niya ako at inabot iyon sa asawa ko.

"If the pain progresses after taking these meds, pumunta ka na sa clinic." Aniya.

Tumango ako. Umahon na rin siya sa pagkakaupo sa gilid ko.

"But, Doc---"

"I trust your wife's judgement, Mr. Villanueva. She's a nurse. Alam niya kung ano'ng nangyayari sa katawan niya. Just...trust your wife." Nakangiting sabi nito sa kanya at muling bumaling sa akin.

Tumango ako ng minsan sa kanya bago pumikit ulit. I have to take a rest. Kailangan kong ikundisyon ang sarili ko para matigil na itong nararamdaman ko.

Hindi ko napansing nakaidlip pala ako ulit. Pagdilat ko ay naramdaman kong nakapulupot ang isang braso ni Alfie sa akin habang nakahiga siya sa aking tabi. Marahan niyang hinahaplos ang aking ulo at paminsan-minsan ay hinahagkan ang aking ulo.

Sinadya kong gumalaw para malaman niyang gising na ako. Naramdaman ko ang alarma sa kilos niya. bahagya siyang kumilos at umayos ng pagkakahiga.

"How are you feeling, honey?" masuyong tanong niya sa akin.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon