CHAPTER 27

2.9K 39 1
                                    

Grae


Ilang beses kong tinapik-tapik ang mikropono para i-test kung gumagana na iyon. Kasalukuyan nang tinitimpla ni Lizette ang alak habang nagluluto na ng pulutan si Cholo. Ako pa ang nagyaya na mag-videoke kami. Ewan ko ba. Bigla akong nasabik sa mga nakagawian kong gawin noon.

Inilapag ko ang mikropono sa sofa nang masigurado kong gumagana iyon. Tinulungan ko sila sa pag-aasikaso sa mga ihahain sa inuman. Hindi na nagtawag pa si Lizette ng ibang mga kaibigan namin dahil maliban sa conflict ang schedule ng day-off, busy naman sila sa kani-kanilang buhay.

Maya-maya'y nag-umpisa na rin kami. Nagkakahiyaan pa sa pagkanta noong una. Nagtuturuan kung sino ang mauunang bibirit. Ang siste, halos hindi rin kami nagkantahan sa umpisa. Hanggang sa pare-pareho na kaming tinamaan ng espiritu ng alcohol.

"Etong kantang 'to..." ani Lizette habang pumipindot ng numero sa karaoke microphone.

Nagtatawanan na kaming tatlo dahil sa kung anu-anong kwentuhan. Hindi ko na nga matandaan kung ano nga iyong pinagsasabi namin kanina. Ang alam ko lang, sobrang nakakatawa 'yon na halos bumunghalit kami sa sobrang halakhak!

"Ide-dedicate ko 'to para sa sarili ko!" at humalakhak ng nakatutok ang mikropono sa labi niya.

Lumapit ako kay Cholo para bumulong. "Mas broken hearted 'ata ito kesa sa akin eh." At saka ako humagikhik.

Tumawa rin si Cholo. "May nagugustuhan daw ang gaga pero 'di raw sila talo nung guy."

Lumayo ako sa kanya ng bahagya para lumabi. "Weh? Bakit daw?"

He just shrugged his shoulders and took a shot of tequila. Ngumiwi siya matapos lagukin ang alak at sipsipin ang lemon na hawak. Binalingan ko ang babaeng kaibigan. Sino ba ang tatanggi sa kanya? Lizette is very beautiful. Bumagay ang balat na morena sa kanyang kabuuan, not to mention that she's also very sexy with her curvy hips and big...you know. Her alluring eyes are enough to make men crazy for her.

Nagsimula ng kumanta si Lizette. Ang bruha, Bleeding Love ni Leona Lewis pa ang kinanta.

We cheered her for that! Kahit mali-mali na minsan ang binibigkas niyang lyrics at sintunado na, hindi namin siya pinigilan.

Bumaling ulit ako kay Cholo na tuluy-tuloy lang sa pag-inom. Pinapanood niya rin si Lizette na parang tangang nagpapatuloy pa rin sa pagkanta. Pinagtatawanan niya rin ito kung minsan. At saka muling iinom ng alak.

Siniko ko siya at saka ininguso si Lizette. "Ikaw yata 'yong tinutukoy niya eh."

Tumaas ang kilay niya. "Na alin?"

"Na gusto niya pero 'di talo."

Ibinaba niya ang shot glass at saka hinatak pababa ang ilang hibla ng buhok ko! I winced in pain because he put a bit of his force. Para akong nahismasan sa kaunting sakit na naramdaman.

"Mangilabot ka nga, Gracielle! Nasira na yata 'yang ulo mo. Ganyan ba ang epekto sa'yo ng Villanueva na 'yon kaya kung anu-anong pumapasok sa utak mo?!" palatak ng baklang ito.

I scoffed bago mag-shot ulit. "Oh, ba't naman napunta sa akin?" walang gana kong tanong sa kanya.

Ayaw ko ngang pinag-uusapan iyong tungkol sa nangyayari sa amin ni Alfie tapos biglang uungkatin naman ng baklang 'to!

Biglang lumipad ang isip ko sa kanya. Ano na kaya ang ginagawa ng lalaking iyon? Malamang, nagpapahinga. Wala sa bahay niya ngayon ang pabigat na tulad ko eh. Wala siyang aasikasuhin, wala siyang binabantayan, wala siyang pinagpapasensyahan.

Minsan gusto ko na lang talagang itigil kung ano'ng mayroon kami. Tutal, wala na rin naman na si baby. Kahit ilang beses itanggi ni Alfie na hindi niya ako pinakasalan dahil lang sa dumating ang anak namin, kundi dahil mahal niya raw ako, alam kong mas matimbang pa rin ang kadahilanang buntis ako kaya niya ako pinanagutan.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon