CHAPTER 18

2.5K 32 5
                                    

Grae


Pagkatapos ng meeting na iyon, agad sinabihan ni Alfie si Harold na ihatid na ako sa kanyang opisina. He still has to talk to some executives and he told me that he doesn't want me to be exposed that way, after that short incident with his father.

Sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari dahil hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. I only had a short time staying in that meeting but I felt exhausted. Pakiramdam ko, naibuhos ko na ang kalahati ng lakas ko para sa buong araw na pagta-trabaho.

It's almost lunch time when the meeting adjourned. Pagkabalik ko sa opisina ay agad kong inasikaso ang pagkain namin ni Alfie. I called the cafeteria to request for our meals. After that call, my phone beeped. I received a text from Alfie.

Alfie:

I have a luncheon meeting today. I can't join you for lunch.

I bit my lip and disappointment slowly ruled my mind. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng tampo. Hindi niya iyon sinabi sa akin bago kami nagkahiwalay kanina.

Inilapag ko an cellphone ko sa lamesa at hinarap ang computer ko. I checked his schedule for today if there's a scheduled luncheon meeting pero wala. His schedule are clear in the afternoon.

Dinampot ko ang cellphone ko para mag-reply sa kanya.

Ako:

Okay, take care.

Baka emergency lang siguro, pang-aalu ko sa sarili ko.

Then I remembered the meals I ordered. I have to cancel Alfie's meal. Wala namang ibang kakain no'n.

Pero nang tinawagan ko ang linya ng cafeteria, the lady I spoke earlier told me that the meals I ordered were almost done.

Mag-isa akong kumain ng pananghalian. Inilagay ko na lang sa isang container ang pagkaing nai-order ko para kay Alfie. Ang lungkot lang sa pakiramdam dahil hindi ito ang nakagawian ko rito sa opisina niya. Dati, kahit anong appointment ni Alfie, he makes sure that we'll eat lunch together, iyon ay dahil gusto niyang makasiguro na nakakakain ako ng tama.

Busy lang talaga siguro sila lalo na't narito si Chairman.

Ipinagpatuloy ko ang pagta-trabaho sa hapon na iyon. Kailangan ko pa ring tapusin ang mga nakabinbin kong trabaho kahit na wala ako sa mood. Ilang araw din kaming nawala kaya kailangan kong makahabol sa mga pending works ko.

Pasado alas tres ng hapon ay tumunog ang intercom ni Alfie.

"Miss Grae?"

Agad akong tumayo para lumapit roon.

"Miss Grae?" ani Harold.

Pinindot ko ang button at aamba ng magsasalita ng muli kong narinig si Harold sa kabilang linya.

"Miss Grae, Miss Venice is here."

Bakit siya narito?

"Uh... Wala si... S-Sir Alfie." nauutal na sagot ko.

Muling tumunog ang intercom.

"Ikaw daw po ang sadya niya, Miss."

Nangunot ang noo ko sa narinig? Ano naman ang sadya niya sa akin? Maliban sa unang pagkakakilala namin ay wala na kami muling naging encounter sa isa't-isa. Silang dalawa lang naman ni Alfie ang magkakilala.

But, maybe... It's just work-related and giving someone's the benefit of a doubt's not a bad thing, eh?

"O-Okay." Sagot ko.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon