Grae
Mainit ang naging pagsalubong nila sa amin, lalo na kay Alfie. Agad siyang naharang ng mga kamag-anak ko para makipag-kwentuhan. Nagmistulang interbyu ang nangyari habang nakaupo siya sa bangko kasama ng mga uncle at pinsan ko.
"Saang pamilya ka galing?" tanong ng isa sa mga uncle ko, kapatid ni Mama.
"Villanueva po, Sir." Magalang na sagot ni Alfie.
Inabutan siya ng basong may lamang gin. Alfie took it politely at walang sabi-sabing nilagok iyon ng minsanan! Inabutan naman siya ng basong may lamang tubig na malamig para maibsan ang tapang ng alcohol.
"Naku! Huwag mo na kaming sine-sir sir dito! Magiging asawa ka na ng pamangkin ko kaya dapat uncle na ang tawag mo sa akin!"
Naghalakhakan ang mga naroon. Alfie really knows how to get along with them, to think that it is his first time to meet my family and relatives.
Lumabas si Papa mula sa bahay at nilapitan kami. Agad akong nag-mano sa kanya, ganoon din si Alfie.
"Oh, papapasukin ko lang itong dalawang ito para makakain at makapagpahinga na sila." Ani Papa.
Magalang kaming nagpaalam sa mga tiyuhin at pinsan namin na naroon. Inakay kami ni Papa sa loob ng bahay. Abala rin ang mga tao rito sa loob, karamihan sa kanila ay nasa kusina at nag-aayos na ng mga gagamitin para sa handaan.
"Gracielle!" bulalas ni Mama mula sa dining chair. Agad niyang binitawan ang ginagawa sa mesa at mabilis na lumapit sa amin.
Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi. Mama got carried away and cried while hugging me. Maging ako man ay nadala na rin sa emosyong nararamdaman ko. I missed her. Huling kita ko sa kanya ay noong graduation ko pa. They we're not able to witness my oath-taking because they don't have enough money for the travel.
"Ang anak ko, Ruben! Ikakasal na!" aniya. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya sa akin. Si Papa ay walang isinagot sa sinabi niya. Bagkus ay lumapit lamang siya sa likod ni Mama at hinawakan ang dalawang balikat niya habang marahan niya iyong tinapik.
Lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin ngunit hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko.
"Ang sabi ng Papa mo ay magkaka-apo na raw kami? T-totoo ba 'yon?" marahan ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang garalgal na boses niya.
Nilingon ko si Alfie sa aking likuran. Nakatayo lamang siya roon habang pinapanood kaming mag-anak. Ibinalik ko ang tingin ko kay Mama at naabutan ko rin siyang nakatunghay sa magiging asawa ko. I felt Alfie's presence beside me.
"Good evening po, Mama." Magalang na bati niya sa aking ina.
Nangiti si Mama sa kanya at walang sabing niyakap niya si Alfie. Nabigla man siya ay gumanti siya ng yakap at marahang hinagod ang likod ni Mama nang magsimula ulit siyang umiyak. Sinaway siya ni Papa pero hindi niya iyon pinansin. I told him to let her be.
Nang kumalas si Mama sa pagkayap kay Alfie ay bahagya pa siyang natawa habang nagpupunas ng luha sa kanyang mukha gamit ang bimpong nakasabit sa kanyang balikat.
"Pagpasensyahan niyo na ako. Nadala lang ako sa bilis ng pangyayari." Nangingiting sabi niya. Dinig ang halakhak ni Papa sa kanyang likuran at inakbayan pa niya ito.
"Hindi lang ikaw ang nadala sa nangyari, Auring. Nagulpi ko nga itong magiging manugang mo kaninang umaga." At muli siyang tumawa.
Alfie went closer to me and rested his hand on my shoulder. "Naiintindihan ko po iyon, Papa." Aniya.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...