Grae
"Okay ka lang ba 'nak?" tanong sa akin ni Mama.
Kasalukuyan kaming nagluluto ng pananghalian. Nagpresinta akong tumulong sa kusina para maiwaglit ko sa isipan ko ang napanood ko kanina. Ayaw na akong pakilusin ni Mama dahil nasabi ni Alfie sa kanya ang kundisyon ko noong nakaraan pero nagpumilit pa rin ako. Hindi naman ganoon kabigat ang maghiwa ng mga gulay. Nakaupo lang naman ako at ang mga kamay ko lang ang kumikilos.
Napansin ni Mama ang pagiging tahimik ko. I got conscious and tried to act normally. Ayokong malaman niya na may bumabagabag sa akin tungkol Kay Alfie. Ayokong sirain ang magandang imahe ng asawa ko sa kanya.
"Wala po. May naiisip lang." ani ko at saka nagpatuloy sa paghihiwa ng kalabasang dala niya mula sa probinsya.
"Hmmm. Nami-miss mo lang siguro ang asawa mo." May halong panunukso ang boses niya.
I faked a giggle.
Mahusay, Grae. Ang galing mong umarte.
Lumipad ang iniisip ko sa video na 'yon. Hindi lingid sa akin ang reputasyon ni Alfie bago nangyari ang lahat sa amin. Kahit noong nag-aaral pa kami, talagang lapitin na siya ng babae. He was even labeled as a heartbreaker for being a playboy. Kaya kung sakaling...nangyari iyon noong hindi pa kami ikinakasal, noong sila pa lang ang pinagkakasundo...siguro maiintindihan ko.
Talaga? Maiintindihan mo? Bulong ng kabilang isip ko.
Ipinilig ko ang aking ulo at nag-concentrate sa paghihiwa ng kamatis. Hiniwa ko iyon sa walong bahagi. I pursed my lips. Ano bang motibo ng taong nag-send sa akin no'n? Who could it be?
At saka...bakit ngayon lang nagsisilitawan ang mga iyon? Was the video purposely sent it to me to taint my trust for my husband?
"Anak, masyadong manipis ang pagkakahiwa mo." Saway sa akin ni Mama.
I sighed. Kahit ano'ng gawin ko, hindi matanggal sa isip ko ang video na 'yon.
"Magpahinga ka na lang anak. Ako na ang bahala rito sa kusina." Aniya.
Ngumuso ako. "Sorry, 'Ma." Tanging nasabi ko.
Tumango siya at saka ngumiti. "Manood ka na lang ng TV. Aliwin mo ang sarili mo. Matatagalan ang asawa mo sa ibang bansa kaya hindi ka dapat nagmumukmok."
Limang araw. Limang araw pa bago ko siya makikita ulit. Hindi pa lumilipas ang isang araw pero miss na miss ko na siya. Pero hindi ko alam kung ano ang uunahin kong maramdaman. Kung pangungulila, pagdududa, o pagseselos.
I admit. I was never insecure before. Kahit sa itsura at pananamit, hindi ako nag-alala kahit na luma pa iyon at wala sa uso. Kung walang kulay ang buhok ko o hindi alaga sa salon. I was living my simple life and I am contented with it.
Itong mga gamit ko ngayon? Si Alfie lahat ang nagbigay sa akin nito. He provided me expensive and luxurious things that beyond my needs. And I realized, hindi ko naman talaga kailangan ng sobrang mahal na mga gamit. Sapat na iyong nagagamit ko sa pangangailangan ko. Kahit hindi mahal at sunod sa uso, okay lang.
Pero...nang malaman kong may ibang nagkakagusto sa kanya na higit sa akin, bigla akong tinubuan ng matinding insekyuridad. Pakiramdam ko, kailangan kong magpaganda lalo. I have to be a better version of myself, or even the best. That woman is far away better than I. In a snap of her fingers, pwedeng mawala sa akin si Alfie.
Lalo na't nakita kong determinado siyang makuha ang atensyon ng asawa ko.
Kailangan ko yata mag-ayos ng sarili ko. Maybe Lizette can help me do that?
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomansaNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...