Grae
Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang magmulat ako mula sa aking pagkakahimbing. Kahit nanlalabo pa ang aking paningin, awtomatiko akong napabaling sa bintana ng kwarto ko. Madilim pa. Hatinggabi pa lang siguro. Ramdam ko ang hapdi ng aking mga mata. Malamang ay mugto na iyon sa kakaiyak ko kanina.
I am still adjusting my consciousness from my deep slumber. Parang lumulutang pa ang isip at pakiramdam ko dahil sa biglaang paggising mula sa malalim na pagkakatulog. I was lying down sideways. Nakaramdam ako ng sobrang init. Nakatutok naman sa akin ang electric fan pero ang init ng likod ko. Ang bigat din ng pakiramdam ko. Parang may nakadagan sa ibabang bahagi ng aking katawan.
I closed my eyes for a couple of seconds. Naramdaman kong may gumalaw sa likod ko at may mainit na buga ng hangin sa aking batok. Napapitlag ako at marahas na lumayo mula roon. Muntik pa akong malalag sa aking kama, kung hindi lang ako mabilis na nakabawi sa aking balanse.
Mukhang kilala ko na ang estranghero sa kwarto ko dahil sa amoy ng kanyang pabango. Kahit siya ay nagulantang sa biglaan kong paggalaw.
"What the---Grae!" sigaw niya.
Mabilis akong tumayo at tinungo ang switch ng ilaw sa kwarto ko. Nasilaw pa ako ng bahagya dahil sa liwanag niyon.
Paano nakapasok ang lalaking ito sa kwarto ko?
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" Iritado kong tanong sa kanya.
Mabilis kong pinasadahan ang kanyang hitsura. He's just wearing his boxer shorts! Ang kanyang coat, tie, polo at slacks ay nakapatong sa upuan ko.
He combed his tousled hair using his fingers bago siya tumayo para lapitan ako.
"Let's sleep, please? Masama para sa'yo ang magpuyat." His raspy voice changed my sudden mood. I could almost feel its gentleness while talking to me.
I looked at my wall clock. It's almost 12 midnight. Kaya naman pala tahimik pa sa paligid namin. Bumalik ang tingin ko sa kanya. He's looking at me intently now. Kung sa ibang pagkakataon siguro, baka matuwa ako sa mga ipinapakita niyang paga-alala ngunit sa mga oras na ito, I have to think straight.
"Paano ka nakapasok dito?" I tried my best to show to him that I loathe his presence.
"Pinapasok ako ni Lizette. She went to work already." Paliwanag niya.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang nasa apartment ngayon. Ang akala ko pa naman ay makakawala na ako sa kanya pero heto siya ngayon at kausap ko pa.
He continued. "I know you're here that's why I'm here, too. Kung nasaan ka, naroon din ako."
Hindi ko binitawan ang tingin ko sa kanya but hell, I gave him my sharpest, deadly stares. I saw him gulped but his gazes towards me still scream with gentleness.
Lumabas ako ng kwarto dahil hindi ko na alam kung paano pa siya iwasan. Alfie's very persistent. Hinawakan niya ang aking siko para pigilan ako pero iwinaksi ko lamang iyon. Padabog akong bumaba ng hagdan na para bang doon ko ibinubuhos ang inis ko sa aking sarili
"Careful, Grae!" he said but I ignored him.
Because I admit, I can't stay mad at him for a long time. I can't stand it.
Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Tinungo ko ang kusina para makainom ng tubig. Makalma man lamang ang sarili ko dahil sa halu-halong emosyon na lumulukob sa akin ngayon.
Pagbukas ko ng ref, unang bumungad sa akin ang bawas na cake. Parang nalusaw ang bad vibes sa katawan ko dahil sa tuwa. May pangalan 'yon ni Cholo, base sa dedication na nakasulat sa icing. Nagda-dalawang isip pa ako kung kakainan ko ito pero sa huli, namalayan ko na lamang ang aking sarili na humihiwa ng medyo malaki-laking parte gamit ang knife.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomansaNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...