CHAPTER 2

3.7K 61 7
                                    

Grae


Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko ang idinulot ng labis na kapusukan ko nang gabing iyon. Kahit hindi ako mag pregnancy test ngayon, malakas ang kutob kong buntis ako. Regular ang monthly cycle ko at hindi ko maalalang gumamit si Alfie ng proteksyon. Hindi rin ako nagpi-pills.

I curled my right index finger and bit it. Kailangan mong mag-isip, Grae! Hindi pwedeng ganito. Paano na ito? Naghahanap pa lang ako ng trabaho at hindi pa naman sigurado kung makukuha ako sa mga in-apply-an ko.

"Grae! Magluto na tayo!" tawag sa akin ni Lizette mula sa baba.

I composed myself at pilit kong iwinaglit ang bumabagabag sa utak ko.

"O-Oo!" sagot ko sa kanya. I calmed myself for a couple of minutes at nang mabawasan ang kabang nararamdaman ko ay huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto.

I acted normally in front of Lizette. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagluluto. Bukas ay may job interview pa ako kaya kailangan ko munang isantabi ang namumuong malaking problema para makapaghanda ako.

"Oh, tahimik ka ah?" puna niya sa akin. Bigla akong nahinto sa paghi-hiwa ng manok at bumaling sa kanya.

"N-Nagi-isip ako ng mga posibleng tanong para sa interview bukas saka k-kung paano ko sasagutin." I stuttered.

"Tss. Kayang-kaya mo naman 'yan 'no. Hindi ka naman ga-graduate ng cum laude kung 'yang simpleng job interview ay hindi mo maipasa!" aniya. She was slicing the carrots para sa chicken curry na lulutuin ko.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Cum laude na walang pera!" I joked. Natawa na rin siya sa sinabi ko. Habang nagbibiruan kami ni Lizette ay siyang bukas ng pintuan at iniluwa roon si Cholo.

"Hoy, bakla! Ano? May nabili ka?" ani Lizette.

Inilapag ni Cholo ang paper bag na may lamang alak. "Yes siswang. Majubis ka na 'te hilig mo kasi mag nomu!" inilabas niya ang dalawang bote ng isang litrong Red Horse, soju at isang pack ng yakult. May ilang pakete pa ng chichirya, isang pakete ng sigarilyo at ilang pirasong kendi.

"Yummy naman!" pagmamayabang ni Lizette. Natawa ako sa takbo ng usapan nilang dalawa.

"Amoy-sahod kayo ah?" biro ko sa kanila.

"Oo kaya humabol ka na rin para tuwing sahod mo, mag-eenjoy tayo!" Lizette said.

Hinugasan ko ang manok para maisalang na sa kawali. "Hindi ko naman magagawa 'yan dahil---"

"Hep!" Itinaas ni Lizette ang kanyang kamay hudyat na gusto niyang tumigil ako sa pagsa-salita. "Alam ko na 'yan. Tutulong ka pa sa pamilya mo, pag-aaralin mo pa ang mga kapatid mo at babayaran mo pa ang mga utang niyo."

I pouted. Alam na alam nila ang mga balak ko sa buhay.

"Kapag nagkatrabaho ka na girl, dapat mag-enjoy ka rin. Hindi puro bigay. Saka kailangan mo ring magtabi para sa sarili mo, noh!" sabi ni Cholo.

Tinakpan ko ang kawali nang matapos kong ilagay ang mga rekado at saka nagpunas ng kamay sa apron na suot ko.

"Oo naman. Hindi ko kakalimutan 'yon." Ani ko. Kahit papaano naman ay may sarili rin akong pangarap sa buhay.

"Oh siya, bago tayo magdrama, mag-iinom tayong tatlo mamaya!" Cholo shrieked out.

Bigla akong natauhan ng yayain niya akong mag-inom. Hindi muna dapat ako tumikim ng alak habang hindi ko pa nakukumpirmang positive ang hinala ko.

Pero baka makahalata sila kapag tumanggi ako. Okay lang kung tatanggi ako ngayon pero paano sa mga susunod na pagyaya nila sa akin? Hangga't hindi ako sigurado, balak kong hindi muna sabihin sa kanila.

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon