Grae
Sabay kaming bumaba ni Alfie galing sa kwarto. Hindi pa nakakauwi sila Lizette at Cholo mula sa trabaho. Nasa kusina ako ngayon habang nagi-isip ng pwedeng maluto nang biglang bumukas ang pintuan.
It was Cholo. May bitbit siyang ilang supot ng grocery. Agad ko siyang dinaluhan pero inilayo niya lang sa akin ang mga bitbit niya. Natatawa pa akong nakipagmatigasan sa gusto kong mangyari pero sa huli'y nagpaubaya na ako.
"Ang kulit naman ng buntis na 'to, kaimbyerna!" palatak niya.
Nanlaki ang mga mata ko and I immediately put my index finger on my lips, telling to lower his voice because Alfie's on the bathroom!
Natutop niya ang kanyang bibig. "Ay bakit?"
Tinuro ko ang direksyon papuntang banyo. "Nandiyan si Alfie. Baka mabuking ka. Gusto mo ba 'yon?"
He grimaced and cleared his throat. "Bakit hindi mo sinabi agad?" He said in his masculine voice. Dinala niya ang mga groceries sa kusina at inilapag niya iyon sa mesa.
I giggled. Sinundan ko siya roon. Isa-isa kong inilabas mula sa plastic bag ang mga napamili habang siya'y dumiretso sa kwarto niya. Paglabas niya'y nakapambahay na siya't tinulungan ako sa pagsasalansan.
"Ano'ng gusto mong almusal?" he asked me in a low voice.
May nahagip akong mga gulay kanina sa supot. Nang makita ko ang gulay na gusto kong kainin ay inilabas ko 'yon at inumang sa kanya.
"Tortang talong." Nakangiti kong sinabi sa kanya.
Ngunit unti-unting nalusaw ang ngiti ko nang nakita ko siyang ngumiwi. "Bakit?" I asked.
"Talong talaga? Hindi ka pa ba sawa sa talong ni Alfie?" aniya.
Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. This vulgar gay! Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Instead of answering him back, ipinalo ko ang hawak kong talong sa kanyang pisngi.
"Aw! Dick slap?" maarte niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong binitawan ang talong at madiin ko siyang kinurot sa tagiliran. He flinched hard and shouted from the stinging pain of it. Umalingawngaw sa kusina ang malakas niyang tawa. It sounded like a real man's laugh. Para na kaming naghaharutan kung titingnan. Dinig sa buong kabahayan ang tawa naming dalawa pero napatalon ako sa gulat ng marahas na bumukas ang pinto galing sa banyo.
I saw Alfie's piercing stares towards Cholo. Agad akong nakaramdam ng pagkaalarma nang mabilis niya akong lapitan ngunit ang matatalim niyang titig kay Cholo ay hindi niya tinanggal. I alerted myself and just looked at him. Mahirap na't baka magpang-abot ang dalawang ito rito. Baka maumbag ng wala sa oras ang baklitang 'to.
"What's going on here?" malalim niyang sagot. Bumaling siya sa akin. But unlike his gazes to Cholo, tinapunan niya ako ng malambing ngunit nagtatanong na tingin. "Hon?"
I waived my hands. "Wala! Nagbibiruan lang kami ni... Cholo." I smiled at him. But that didn't convince him. Cholo cleared his throat. Pareho na kaming nakatingin sa kanya ngayon.
"Dito na kayo mag-almusal. Magluluto lang ako." Cholo said.
"No, thank you. Aalis na kami ni Grae ngayon." Bumaling ulit sa akin si Alfie. "Right, honey?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. "Dito na lang muna tayo, hmm?"
"No, Grae. Get yourself ready. We're living now." He said with finality bago siya pumanhik sa hagdan.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...