CHAPTER 12

3.5K 47 6
                                    

Grae


Ibinalot ko ng kumot ang katawan ko at saka mabilis na tumayo. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ni Alfie sa biglang pagbangon ko. Hindi ko na alam kung ano ang una kong gagawin. Kung hahagilapin ko ba ang mga gamit ko o maliligo na agad sa banyo.

"What's happening?" Alfie asked. I saw how relax he is while I'm worried sick now. Sumilay ang iritasyon sa akin.

Hinablot ko ang comforter na tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya para bumangon na siya. He took his boxer shorts on the floor and wear it. Muling tumunog ang cellphone ko. I thought it's Lizette ngunit nagimbal ako nang rumehistro ang numero ni Papa. Nanginginig ang kamay kong binitawan iyon sa kama. Hindi ko kayang tanggapin ang galit niya. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba. Nanlalamig ang mga kalamnan ko.

It's still ringing. Kinuha iyon ni Alfie bago niya ako tiningnan. He looked at me with so much worry and concern. "Honey, you're pale..." hinawakan niya ang aking siko. Namatay ng kusa ang tawag niya ngunit muli itong nag-ring.

"I'll answer it. Ako ang kakausap sa kanya." Aniya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinablot ko ang cellphone ko mula sa kanyang kamay. "Huwag!"

Pinatay ko iyon at nagtipa ako ng text.

Ako:

Papa, pauwi na po ako. Hintayin mo ako diyan.

I tapped the 'send' button at inilapag ang cellphone sa bedside table niya. Hindi ko na hinintay ang reply niya. Binalingan ko si Alfie ngunit nilapitan niya ako't hinawakan sa aking siko.

"Hon, calm down. Baka makasama sa'yo 'yan." He said. But I cannot calm myself down. I have to think and to move quickly. I can imagine my father's rage when he found out that I'm living in a man's place. Siguradong kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip niya sa mga oras na ito.

I held his arms and looked at him intently. "Ganito, Alfie... Hurry up and fix yourself. Sa kabilang kwarto na ako maliligo. Bilisan mo, ah? Para makaalis tayo agad. Pupunta tayo sa apartment ngayon dahil naroon daw si Papa." I instructed him.

"But, you haven't eaten yet. Makakapaghintay---"

"Huwag na natin siyang paghintayin. I will drink my milk, kung 'yan ang inaalala mo." Putol ko sa kanya.

"But---"I cut him off again and held unto his shoulders.

"Hon, please. Just do what I say. 'di ba gusto mong makilala si Papa? Gusto ko rin 'yon pero kung sa unang pagkikita niyo pa lang ay hindi na maganda ang pagkakakilala niyo, hindi ko na alam kung ano'ng mangyayari." I pleaded.

I know my Papa. He may be kind to everyone pero pagdating sa mga ganitong bagay, napapangunahan siya ng init ng ulo. Ayokong maging pangit ang first impression niya kay Alfie lalo na't desidido na rin naman akong magpakasal sa kanya.

He looked me in my eyes. Tila naninimbang sa mga sinabi ko at sa magiging desisyon niya. I equaled it with dreadful stares. Makumbinsi ko man lang siya sa gusto kong mangyari. Kalaunan ay tumango siya. He lowered his head and gave me a deep, quick kiss.

"Don't worry too much. We'll settle everything." Masuyo niyang sinabi sa akin. I nodded at him.

Mabilis ang mga naging kilos ko. Sandali lang akong naligo at mabilis na nagbihis. I took a blouse and maong pants on the closet pero hindi ko pa naibubutones ang pantalon ko ay hindi na iyon magsalubong.

"Shit!" Anas ko. Kahit mag stomach in ako ay hindi pa rin kakasya.

Damn it! Dahil sa pagkataranta ko, nakalimutan kong buntis pala ako! My baby bump is visible already!

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon