Grae
"Ano? Tulog na naman?" manghang tanong ko sa kapatid kong si Gio pagkarating ko sa bahay namin.
Tumango si Gio habang nanonood ng anime sa TV. "Opo ate. Pagkauwi niya galing sa ospital para dalhan ka po ng pagkain, natulog ulit."
"Kumain na ba siya?" dagdag tanong ko sa kapatid.
Umiling ito. "Hindi pa, 'te. Tinawag ni Mama pero ang sabi susunod na lang daw siya." Sagot niya.
Galing ako sa trabaho. Nag-tricycle na ako pauwi dahil hindi ako nasundo ni Alfie sa ospital. He's been like this for a couple of days. Hindi naman ako nagrereklamo pero nadadalas ang pagkaantukin niya.
Or maybe he's just exhausted working all day. He's been hands-on, kahit na nandito siya ngayon sa amin. Hindi niya pinababayaan ang pamumuno sa trabaho. Kaya nga lang, kung minsan, kahit kinakailangan na siya roon ng personal, hindi siya pupunta dahil ayaw niya raw akong iwan.
I told him that he can go for now because I'm doing fine here. Pwede rin naman siyang bumalik dito anytime. Bukas ang bahay namin para sa kanya. Kaya kahit lumuwas siya para sa trabaho, okay lamang iyon sa akin.
I know he got bigger responsibilities than I. Ayokong maging hadlang ako sa mga nakaatangsa kanyang balikat.
I went upstairs. Pagpihit ko pa lamang sa pintuan ng kwarto ko, agad na bumungad sa akin ang lamig ng hangin galing sa aircon.
And there, I saw my husband lying in our bed, sleeping soundly. Nakadapa itong nanatutulog at bahagyang nakabukas ang mga labi. I chuckled lightly. Parang bata kung matulog.
Ang supladong tingnan kapag gising pero ang amo ng mukha kapag tulog.
Tahimik akong pumasok ng kwarto. Inilapag ko ang mga gamit ko sa isang upuan malapit sa cabinet. Sinigurado kong hindi ako makakalikha ng anumang ingay dahil ayokong maistorbo ang tulog ni Alfie. But then, I remembered what Gio said. Hindi pa siya kumakain ng pananghalian. Kaya kahit hindi pa ako nakakapag-ayos sa sarili, lumapit ako sa kanya para gisingin siya.
My palm automatically landed on his forehead. Sinipat ko kung may lagnat siya. Pero wala naman.
I just have to make sure. Baka mamaya, may iniinda na pala siyang sakit at hindi nagsasabi sa akin.
Iniwan ko siya saglit sa kama para kumuha ng maayos na pambahay. Sandali lamang akong naglinis ng katawan bago muling bumalik sa kwarto para gisingin na siya. He looked peaceful in his deep slumber. Parang nakakakonsenysa tuloy kung gigisingin ko nga siya o hahayaan ko na lang matulog.
Pero kung 'di siya kakain ng pananghalian, baka sikmurain naman ang isang 'to.
Marahan akong tumabi sa kanya sa kama. My hand landed on his shoulder and shook it gently. Pero hindi siya nagising. I pouted. Alfie was a light sleeper. Kaunting kilos ko lang noon kapag magkatabi kami, agad siyang nagigising. But this time, kahit yugyugin ko siya, hindi pa rin magising.
"Alfie..." tawag ko. Sinabayan ko ulit iyon ng marahang pagyugyog sa kanya para tuluyan na siyang magising.
Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kanya. Nakakapagod din ang magtrabaho maghapon, 'no. Idagdag pa na siya ang boss sa kanila. Napakabigat na responsibilidad kaya iyon.
He groaned when I repeated calling him. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at saka bumangon. I welcomed his sight with a smile. Nakakapagtaka rin sa parte ko dahil hindi katulad noon, hindi na ako nakakapagsungit sa kanya. Hindi na ako nakakaramdam ng pagkabagot sa tuwing nakikita o nakaka-usap siya.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...