Grae
Mahihinang tapik ang gumising sa akin mula sa malalim na pagtulog. Magkaganoon pa man, ramdam ko pa rin ang pagod sa buo kong katawan. I slept in Lizette's room because my room's a bit dusty. Hindi pa muling naayos simula nang huling pagpunta ko rito sa kanila.
"Kumain ka muna, Gracielle. Maghahatinggabi na."
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Ang bigat ng pakiramdam ko lalo na sa gawing balakang at puson. Marahil sa sobrang pagod dahil sa pakikipagbuno sa opisina ni Alfie. Idagdag pa na wala pa akong kinain simula noong tanghali dahil ang balak ko sana'y sabayan siya sa pananghalian.
Napansin ko ang ayos ni Lizette. She's wearing her usual scrub suit. Mukhang may duty siya ngayon.
"May pasok ako pero off ni Cholo ngayon. Siya muna ang titingin sa'yo ngayong gabi. Hindi ka ba talaga uuwi ngayon sa asawa mo?" tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin. Mapait akong ngumisi sa kanya at saka umiling. Hindi ko kayang makipagkita sa kanya ngayon dahil sa nangyari. Isinambulat ko na lahat ng kinimkim kong sama ng loob nitong mga nakaraang linggo. Pansamantala mang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagwawala, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang nasaktan pa rin ako sa nadatnan.
Ano? Pinagtataksilan na ba niya ako? Ayaw niya na sa akin?
"Zette, sorry ah?" mahinang usal ko sa kanya.
Nangiti siya. "Bakit?"
Ginagap ko ang kanyang mga kamay. Imbes na sagutin ko ang kanyang tanong, tahimik akong lumuha. Umiyak ako sa harapan niya habang hawak ang kanyang kamay. Wala akong nausal na salita. Sapat na siguro ang mabibigat na paghinga at tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha ko para malaman niyang nasasaktan na ako.
I heard her sniffing. She chuckled a bit. Niyakap niya ako at saka humagulgol na rin.
"Ang tanga tanga mo kasi. Masyado kang mabait." Aniya at saka humagulgol sa balikat ko.
Siguro nga. Masyado akong naging mabait sa sitwasyon. Hindi ako nagpakita agad ng pagkaagresibo sa unang beses pa lang ng pagdududa. Hindi ko agad siya kinompronta. Pinalampas ko muna. Ang isa ay kinalimutan ko na. Kaya nang madatnan ko ang mas malalang pagtataksil, hindi ko na iyon nakayanan.
Nakakababa naman ng kumpyansa sa sarili. Lalo akong na-insecure. Pakiramdam ko tuloy, ang batang nasa sinapupunan ko na lamang ang tanging pinanghahawakan ko. Kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na mahal niya ako noon pa man, na huwag ko siyang iwan, natatabunan iyon ng matinding pagdududa sa kanya at selos sa babaeng kahalikan niya.
Pero hindi ko susukuan ang asawa ko. Hindi ko siya basta-bastang ipapamigay. Kung gustong maagaw ni Venice si Alfie sa akin, pwes, haharang ako.
"Hindi mo naman ginagalaw 'yang pagkain mo." Saway ni Cholo sa akin.
Umayos ako mula sa pagkakaupo. Pinilit ko ang aking sarili na kumain para sa bata. I have to be healthy, too. I've been stressing out for the past few weeks and it's not good for my baby. Isa pa, kailangan ko na ring magpa-check up ulit dahil bumalik ang sakit ng balakang at puson ko kahit natapos ko na ang medication na binigay niya sa akin.
"Ano ba talaga ang nangyari, Grae?" tanong sa akin ni Cholo.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sinamahan niya akong saluhan dito sa mesa para kumain. I am eating my late dinner habang nagkakape naman siya. Katulad kay Lizette, nagpapasalamat ako dahil lagi silang handang tumulong sa akin. They never turned their backs on me, kahit noon pa.
Kaya ngayong sinusubok ako ng panahon, somehow, naging kanlungan ko ang mga kaibigan ko dahil nasa malayo ang aking pamilya.
Lizette and Cholo are my family, too.

BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomanceNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...