CHAPTER 23

2.7K 35 9
                                    

Grae


Her hands snaked on his nape while he's holding both of her shoulders. Agad na kumalas si Alfie nang marinig niya ang biglang pagpasok ko, kasunod si Harold.

His eyes widened in shock. Agad niyang inilayo ang sarili sa babaeng kahalikan.

Tuluyan nang naumid ang dila ko dahil sa matinding pagkagulat. Ngunit ang loob ko, nagpupuyos. Nag-iisip kung paanong reaksyon ang gagawin ko. I am speechless and broken at the same time.

Ang mga sama ng loob na naipon at ibinaon ko noon ay muling lumitaw sa puso ko. Idagdag pa itong nadatnan ko. Lalong lumakas ang haka-haka kong siya rin ang may pakana sa pagpapadala ng video na iyon sa akin.

Pain is an understatement.

I call this wrath.

"Grae..." Si Alfie.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong nasa harapan ko. I saw her crossed her arms and smirked at me. Isinandal niya ang sarili sa working table. Mukhang natuwa pa dahil nahuli ko sila sa ganoon ayos. Alfie moved forward and came closer to me.

I don't want him to touch me that's why I raised my hand, telling him not to continue what he'd thinking. Nadidiri ako. Paano niya nagagawang isipin na hawakan ako pagkatapos niyang hawakan ang babaeng ito?

Pero hindi siya nakinig. Tinuloy niya pa rin ang paglapit. He held me both in my shoulders, almost hugging me.

"Honey, it's not what you think."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matalim at madilim. Na kung nakamamatay lang ang mga titig ko, baka kanina pa siya nabuwal sa kinatatayuan niya.

Pinantayan niya ang mga titig kong punung-puno ng poot. Nanggagalaiti na ako sa galit. Isang pitik na lang, sasabog na ako.

"Bitiwan mo ako." Madiin kong sabi sa kanya.

But he did not. He blocked Venice's view on me so I won't see her.

Pumalag ako. Iwinasiwas ko ang kanyang mga kamay para mabitawan niya ang aking mga balikat. Mahigpit ang hawak niya sa akin. Kahit ano'ng lakas ang ilagay ko, hindi iyon sapat para makawala ako sa mga yakap niya.

"Ang sabi ko, bitiwan mo ako!" ulit ko sa kanya.

Umiling siya, mataman pa rin ang mga titig sa akin. His eyes are pleading. Lalo akong nagpupuyos sa galit. Bakit parang ako ang pilit na pinapaiwas dito? Ako ang agrabyado rito! Ang babaeng iyon ang wala sa lugar kung umasta. Bakit pakiramdam ko, ako ang dapat mag-adjust?!

"Let her go, Alfie---" maarteng sabi ni Venice.

Bumaling siya sa kanya at sumigaw. "Shut up!" at saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Grae, I can explain." Pagsusumamo niyang sabi sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Mabibigat na ang paghinga ko. Hindi ko rin alam kung dahil ba sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa bigat ng kalooban pero naramdaman kong muli ang sakit sa ibabang bahagi ng balakang ko. It was like a lightning of pain. Sandali lamang iyon bumalatay at nawala ulit.

Pero hindi ko na iyon inalintana dahil lamang ang sama ng loob na bumubuhos ngayon sa puso ko.

"Oh, come on, Alfie. Tayo naman talaga---"

"I said, shut the fuck up!"

I scoffed inwardly. Oh, ba't nag-aaway kayo ngayon sa harapan ko? Sarap na sarap lang kayo kanina sa halikan niyo. Ngayon at nahuli, kanya-kanyang pagpapatahimik na?

Heal My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon