Grae
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. He looked serious. Pero totoo ba talaga 'yon? Stalker ko siya?
Unti-unti akong humalakhak sa sinabi niyang 'yon. He just gave me a passive look. Sa totoo'y hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Yes, we came from the same university. Kaya nga kami nagkakilala. But I bet that my presence was barely noticed. Maybe in my own batch. Pero ang makilala ako sa ibang department at senior pa, imposible 'yon.
Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Hindi ko na dinugtungan ang sinabi niyang 'yon. Agad kong pinatay ang usapan. Hindi na rin naman niya ipinilit pang pag-usapan namin iyon.
Natapos din ang buong hapon na kasiyahan. Nagsiuwian na rin ang ibang mga bisita. Nakapagpalit na rin ako ng mas kumportableng bestida kanina. Abala sila Mama at ng ibang mga aunty ko sa pagbabalot ng mga hinandang pagkain para may maiuwi ang mga malalapit na kamag-anak namin. Ang mga kalalakihan naman ay hindi pa tapos sa inuman, kabilang na roon ang asawa ko.
Katabi ni Alfie si Papa habang sa kaliwa naman niya ay si Uncle George. Nakabukas na ang unang dalawang butones ng kanyang long sleeve polo habang naka-rolyo na ang manggas nito hanggang sa kanyang siko.
Malalakas na tawanan nila ang umalingawngaw sa bakuran namin. Nakasandal ako ngayon sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Muli kong tiningnan si Alfie na masayang nakikihalubilo sa mga pinsan at uncle ko. Namumula na ang kanyang mukha, malamang ay tinatamaan na sa alak na pinagsasaluhan nila sa mesa. Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga kaha ng serbesa sa grupo nila. Napa-iling ako sa nakikita ko.
Bumaling ang tingin ni Papa sa akin. I gave him a small smile. Inilipat naman niya ang atensyon sa aking asawa. Inakbayan niya ito at may ibinulong sa kanya. Mabilis na lumingon si Alfie sa direksyon ko bago siya tinapik ni Papa sa kanyang balikat. Nakita kong tumayo na siya at magalang na nagpaalam para makaalis na roon. Umayos ako sa pagkakatayo nang matanaw ko siyang papalapit na sa akin.
He snaked his arms on my waist and pulled me closer to him. Lumukot ang mukha ko nang madikit ang balat ko sa kanyang katawan. Amoy alak.
He only chuckled. May amats na nga talaga.
"I'll take a shower now, honey. Tapos takas tayo mamaya." He winked at me.
Sinubukan kong ilayo ang sarili sa kanya pero lalo niya lamang akong hinapit sa aking baywang.
"Ano'ng tatakas? Ba't tayo tatakas, eh mag-asawa na tayo?"
Inilapit niya ang mukha niya sa aking tenga. I felt something electrifying in my insides when his hot breath fanned on my neck.
"Para ma-solo kita." At saka niya ako pinatakan ng halik sa aking tenga. Nagdulot iyon ng matinding kiliti sa akin kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilin ang sarili ko.
I cleared my throat after he said that. Bahagya ko pa siyang naitulak para malayo ako sa kanya. He only chuckled before he pulled my hand and went outside the house.
Hindi na kami nakapagpaalam sa mga magulang ko. Kinuha ni Alfie ang susi ng kotse sa kanyang driver. Nang makasakay kami ay dahan-dahan niya iyong minaniobra papunta sa bahay nila Uncle George.
"Kaya mo pa bang mag-drive? Nakainom ka na." I said worriedly.
"Yes. I took a few shots but I'm not drunk. I can still drive you crazy." Bumaling siya sa akin at saka ako kininditan.
I leered at him darkly. Nangingiti na siya nang makita niya ang reaksyon ko sa sinabi niya. Kung hindi lang siguro siya nagda-drive ay baka nahampas ko na ito sa braso.
BINABASA MO ANG
Heal My Broken Heart
RomansaNang makapasa si Grae sa Nursing Licensure Examination, labis ang kanyang tuwa dahil sa wakas, maibabalik na rin niya lahat ang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para makatapos siya ng pag-aaral. Ipinangako niya sa kanyang sarili na tutulu...